• Home
  • Fresh Scoops
  • Sina Maja Salvador at Rambo Nunez ang pinakabagong celebrity couple na na-engage ngayong taon.

Maja Salvador, engaged na

Sina Maja Salvador at Rambo Nunez ang pinakabagong celebrity couple na na-engage ngayong taon.

Maja Salvador, engaged na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/17/2022 08:50 PM
Maja Salvador, engaged na
Photo Credit: @maja on IG

Engaged na ang aktres na si Maja Salvador sa kanyang longtime boyfriend na si Rambo Nuñez.  

Matapos ang ilang taon bilang magkasintahan, pinatunayan nina Maja at Rambo na sa kasalan din mauuwi ang kanilang relasyon.  

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Maja ang mga litrato kung saan makikitang nag-propose na sa kanya si Rambo.  


"my new beginning," saad ni Maja sa caption ng kanyang post.  

Tingnan ang litrato sa ibaba:  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@maja)

 

Bumuhos naman ang pakikisaya ng ilan sa mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz gaya nina Jessy Mendiola, Isabelle Daza, at Jasmine Curtis.  

Gayunpaman, walang nang nilagay na iba pang detalye si Maja kaugnay sa naganap na engagement.  

Read: ‘Ilang years from now?’: Rambo Nunez, Maja Salvador on wedding plans

Taong 2010 noong unang maghiwalay maghiwalay sina Maja at Rambo.  

Ngunit taong 2018, muling nagtagpo ang  landas nilang dalawa at nagkabalikan.