• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanguna si Coco Martin sa inihandang sorpresa ng cast and crew ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ para sa kaarawan ni Julia Montes.

Coco Martin, pinangunahan ang sorpresa para sa kaarawan ni Julia Montes

Nanguna si Coco Martin sa inihandang sorpresa ng cast and crew ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ para sa kaarawan ni Julia Montes.

Coco Martin, pinangunahan ang sorpresa para sa kaarawan ni Julia Montes-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/22/2022 10:50 AM
Coco Martin, pinangunahan ang sorpresa para sa kaarawan ni Julia Montes
Photo credit to @nancyarcega07 Instagram

Hindi mapigilang maiyak ni Julia Montes sa sorpresang inihanda ng kanyang mga kasamahan sa FPJ's Ang Probinsyano para sa kanyang ika-27 kaarawan.

Pinangunahan ng bida ng serye at napapabalitang nobyo ng aktres na si Coco Martin ang nasabing surprise birthday celebration.

Sa video na ibinahagi ni Rosanna Roces sa Instagram, makikitang emosyonal si Julia habang kinakantahan ng buong staff ng Ang Probinsyano ng Birthday Song.


Bukod dito ay nakatanggap din ang aktres ng sorpresang birthday cake mula kay Coco.

Nito lamang Marso 19 nang ipinagdiwang ni Julia ang kanyang ika-27 kaarawan.

Matagal nang iniuugnay sa isa't isa sina Coco at Julia, o ang tambalang mas kilala bilang "CocoJul."

Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsong inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

READ: Julia Montes shares snap of Coco Martin

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa seryeng Walang Hanggan noong 2012. Nagkasama rin sila sa A Moment In Time noong 2013, Ikaw Lamang noong 2014, at Wansapanataym noong 2015.

Napapanood ngayon sina Coco at Julia sa FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa iba pang platform ng ABS-CBN.