Gigi de Lana, paano iniingatan ang boses? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gigi de Lana, paano iniingatan ang boses?

Leah Bueno
Published Mar 02, 2022 12:47 AM PHT

Ibinahagi ng singer at aktres na si Gigi de Lana kung paano niya iniingatan at ipinapanatiling maganda ang kanyang boses.

Sa virtual media conference para sa kanyang concert na Domination, sinabi ni Gigi na praktis at pahinga lamang ang kanyang sikreto upang mapanatili ang kanyang singing voice.

"Actually, napahinga talaga 'yung boses ko ngayon. Pinahinga ko siya totally. Paano ko siya inaalagaan? Actually mali na sabihin ko 'to kasi hindi ko siya inaalagaan. ['Yung iinom] ng salabat, 'di ako naniniwala doon. Para maingatan mo 'yung boses mo is maintain. I-maintain mo 'yung pagkanta mo, vocalize ka, practice ka ng proper technique," aniya.

"Kasi 'yung mga iniinom inom na ganyan, I don't believe in that kasi hindi siya nagwo-work for me⦠Pero you should rest, at [inom ng] tubig, 'yun talaga. Practice kayo every day."

Sa conference, ibinahagi rin ni Gigi ang paghahandang ginagawa nila ng kanyang bandang Gigi Vibes para sa kanilang paparating concert.

"Ngayon po, inaareglo namin 'yung mga songs and this time, kasi 'di ba kapag nagpe-perform kami digitally, 'yung mga songs namin ay 'yung usual songs namin. Pero this time meron kaming something new na ibibigay sa inyo sa concert namin na Gigi Vibes. Kaya abangan niyo po 'yan," aniya.

Ayon sa singer, excited na siya na mag-perform nang live para sa kanilang mga tagahanga at taga-suporta.

"Gusto ko silang makantahan. Gusto ko silang makwentuhan. Alam niyo 'yun. And gusto kong ibahagi sa kanila 'yung part ng buhay ko, 'yung part ng puso ko. And I really, really want to inspire many people lalo na sa pinagdaanan namin ng buong team ng Gigi Vibes," aniya.

Patuloy pa ni Gigi: "Nilu-look forward ko 'yung feeling na makakantahan ko 'yung mga tao. 'Yung matitingnan ko sila sa mga mata nila, na makekwentuhan ko sila habang kumakanta ako. 'Yun 'yung best feeling kapag kumakanta ako, 'yung kapag nakikita ko 'yung expression ng mata mo, parang naiintidihan mo rin kung ano 'yung sinasabi ko."

Sa huli, ibinahagi ni Gigi kung gaano siya nagpapasalamat para sa pagmamahal at suporta na patuloy nilang natatanggap ng kanyang banda.

"Very thankful, sobrang thankful po. Kasi sabihin na natin na hindi naman po kasi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity. Tsaka 'yung blessings na nangyayari, na binibigay sa amin ngayon are all hard work and right timing din talaga," aniya.

Gaganapin ang Gigi De Lana and The Gigi Vibes: Domination live concert sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila itong darating na Sabado, Marso 5.

Ang nasabing concert ang kauna-unahang live show mula sa ABS-CBN Events na tatanggap ng mga manonood sa mismong venue simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020. Sanib-pwersa ang ABS-CBN Events at Resorts World Manila bilang co-producer ng Domination.

Mapapanood din ang Domination sa KTX.ph itong darating na April 23.