• Home
  • Fresh Scoops
  • Oyo Sotto talks about his younger days of doing drugs and heavy drinking before getting married to Kristine Hermosa.

Oyo Sotto shares how Kristine Hermosa changed his life: ‘Ang daming times na puwede na ako mamatay’

Oyo Sotto talks about his younger days of doing drugs and heavy drinking before getting married to Kristine Hermosa.

Oyo Sotto shares how Kristine Hermosa changed his life: ‘Ang daming times na puwede na ako mamatay’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

02/06/2022 09:27 AM
Oyo Sotto shares how Kristine Hermosa changed his life: ‘Ang daming times na puwede na ako mamatay’
Screenshot from Toni Gonzaga Studio YouTube Channel

After he and wife Kristine Hermosa gave a candid and love-filled interview with host Toni Gonzaga for her recent vlog, Oyo Sotto revealed more than just the start of their love story during the half hour sit-down interview in their home in the South. Before meeting his wife on the set of the film Enteng Kabisote, the 38-year-old actor admitted he was not a very good person during his younger years. 

“Ang kulit ko din talaga nun. Kumbaga, hindi man siguro naiintindihan ng mga tao pero ang sama kong tao sa totoo. Ang dami kong mga nasaktan. Ang dami kong inaway. Kumbaga, ang hilig ko sa away dati eh. Sumubok ako ng mga droga, mga ganun. Alam mo yung talagang nagpaka wild din talaga ko for a time in my life nung teenager ako, nung high school. Talagang pakawala talaga. Pakawala kung pakawala. Siyempre nung mga time na yun walang Facebook, walang IG, so suwerte ko din pala nung ‘90s hindi na-re-record yung mga kabalbalan (laughs). Blessing din pala yun.

“I tried so many bad things talaga na dapat hindi ko sinubukan. So nung sabay na kami ni Tin nag-chu-church, dun ko na-ri-realize na sobrang patient pala ng Panginoon sa akin. Ang daming times na puwede na ako mamatay nun eh. Kasi uuwi ako lasing tapos hindi ko maaalala paano ako nakauwi. As in yung ganun. Hindi mo alam kung paano ka nakauwi,” he revealed to Toni in her vlog. 


LOOK: Oyo Boy Sotto’s sweet birthday message for Kristine Hermosa

Looking back on his younger years, Oyo said he really did not have any clear direction on where he wanted to go in life before he decided to propose to Kristine.

“Wala, wala talaga. Hindi ko nga nakikita sarili ko na mag-aasawa eh. Alam niya kasi nakikita niya at saka sinasabi ko sa kanya. One thing na naniniwala ako is God really allows things to happen in your life so that matuto ka dun sa mga experiences mo. Na makita mo na all the while pala nandun lang Siya sa tabi mo. Ako lang yung layo ng layo sa Kanya, pero yung buong time na yun na nagloloko ako, naglalasing ako, nag-da-drugs ako, andun lang pala Siya. Hindi Niya ako pinababayaan. Ako lang yung laging lumalayo.

“Hindi pa ata alam ng mga tao ‘to eh, yung time na binili ko yung engagement ring ni Tin, yun na yung huling pera ko. Zero na. Sabi ko bahala na. Naalala ko pa nga nun eh, tinatanong ako ni Daddy (Vic Sotto), sabi niya, ‘Saan kayo titira?’ Sabi ko, ‘Mag-re-rent muna kami, Dad.’ Sabi niya, ‘Sigurado ka? May pang renta ka ba?’ Ginaganun pa ako (laughs). Pero in a patawa na way. Si daddy ganun naman siya,” he admitted. 

READ: Kristine Hermosa, Oyo Boy Sotto welcome fifth child

Watch the vlog here: 

Contrary to people’s assumptions that he was the one who told his wife to quit showbiz after marriage, Oyo clairified that this was never the case between them.

“I don’t want to take the credit eh. Si God talaga. Kasi nakita ko rin na she was really praying, talagang, ‘Sige Lord mag-su-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan ko gawin. I have to lie low muna. Huwag muna ako mag-work. Siya muna. Sige, mag-su-submit siya.’ Kasi gusto niya talaga eh, sinasabi niya sa akin gusto niya mag-work. Kaya lang ayaw niya ng drama. Eh sabi ko sa kanya, ‘Okay ako. Mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba yung gagawin mo?’” he explained. 

READ: Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto expecting baby number five: ‘Another answered prayer’

Oyo also admitted that his family members including his mom Dina Bonnevie also tried to discourage him from pursuing a relationship with Kristine.

“Mataray (daw). Actually yun yung mga sinasabi ng pinsan ko sa akin dati. Kahit yung mom ko noon sabi, ‘Masama daw ugali niyan.’  As in ganun yung sinasabi sa akin. Sabi ko, ‘Alam ko na yung mga chismis na ganun, Ma.’ Pero iba kasi kapag nakakausap mo na yung tao. Totally opposite talaga. Talagang what you see is what you get. Yun yung nagustuhan ko, hindi siya showbiz. Isa siya dun sa mga tao na totoo lang siya talaga. Yan yung gustong gusto ko sa kanya. Na behind the camera yun siya. Pag nakaharap siya yun siya. Pag galit siya, galit siya. Pag asar siya, asar siya. Pag good mood siya, good mood siya,” he shared. 

Now that they have been married for 11 years and raising five children together, Oyo said he and his wife have only one formula for making their relationship work.

“Hindi secret eh. Si God lang talaga. Alam mo na-i-imagine ko yung buhay kung wala si God, wala eh. Malamang hindi na kami umabot ng isang taon. Malamang nagloko na ako. Malamang may anak na ako sa ibang babae. Si God lang talaga. Kailangan siya yung sentro. Hindi naman araw-araw mahal mo yung asawa mo kahit na si Kristine Hermosa pa ‘to. Totoo yan. Kahit gaano pa kaganda o ka-sexy ang asawa mo, hindi mo araw-araw yan mamahalin. If you’re just going to base it on feelings, naniniwala talaga ako na ang love you shouldn’t base it on feelings kasi nagbabago eh,” he shared.