• Home
  • Fresh Scoops
  • Naganap ang engagement nina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa Japan.

Robi Domingo, engaged na sa non-showbiz girlfriend 

Naganap ang engagement nina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa Japan.

Robi Domingo, engaged na sa non-showbiz girlfriend -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/04/2022 10:02 PM
Robi Domingo, engaged na sa non-showbiz girlfriend 
Photo Credit: @iamrobidomingo on Instagram

Sa kalagitnaan ng bakasyon nila kasama ang ilang malalapit sa kaibigan sa showbiz, nag-propose ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa longtime girlfriend nito na si Maiqui Pineda. 

Nag-propose si Robi sa gitna ng sikat na Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan. 

Kasalukuyang nasa Japan si Robi kasama ang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at Joshua Garcia. 


Ibinahagi ng ABS-CBN Entertainment reporter na si MJ Felipe ang bidyo mula sa engagement. 

Panoorin ang bidyo sa ibaba: 

Ilang araw lang bago naganap ang engagement, ikinuwento ni Robi sa PUSH Bets Live ang kanyang planong mag-settle down. 

“I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko din sa kanya ‘to a couple of weeks before, wala man akong market, may forever naman ako,” ani Robi.

“Wala naman na akong ibang naiisip na gawin, wala naman na akong ibang nakikita. And I think I’m ready,” dagdag pa niya. 

Read: Robi Domingo opens up about long-term plan with girlfriend

Ani Robi, napagtanto niyang handa na siya mag-settle down nang maramdaman niyang si Maiqui na ang kanyang “the one.” 

“’Pag fulfilled ka na. Kasi Iniisip ko rin ‘yan before na baka nakita ko na si ‘the one.’ Palagi nating sinasabi ‘yan eh na baka siya si ‘the one.’ Siyempre when you go into a relationship, siya dapat ‘yung ‘the one,’” aniya. 

Read: Robi Domingo talks about settling down with Maiqui Pineda | PUSH Bets Live

Pagpapatuloy ni Robi: “So, kapag nagawa mo na ‘yung mga gusto mo sa buhay, na-achieve mo na, and when you’re stable, that’s when you feel you are going to be partially ready. But to complete that, kailangan alam mong handa kang tumaya, handa kang ibigay lahat.” 

“Kasi ako just think about it, kahit gusto kong sabihin na kinakabahan ako, mas nangingibabaw ang excitement ‘cause I know it’s going to be a fun journey with her,” ani pa niya. 

Sa nasabing panayam kay Robi, ibinahagi nito ang kanilang love language sa isa’t-isa.