• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful si Andrea Del Rosario sa positive comments and early reviews para sa kaniyang maituturing na comeback project.

Andrea Del Rosario, bida sa Ricky Lee movie project

Thankful si Andrea Del Rosario sa positive comments and early reviews para sa kaniyang maituturing na comeback project.

Andrea Del Rosario, bida sa Ricky Lee movie project-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2022 12:52 AM
Andrea Del Rosario, bida sa Ricky Lee movie project

Balik eksena ngayon ang sexy actress na si Andrea Del Rosario na bibida sa upcoming movie project na May-December-January.

Extra special para kay Andrea ang kaniyang bagong proyekto na ginawa mismo ng National Artist for Films na si Ricky Lee.


Sa naganap na media conference, ibinahagi ni Andrea na siya ang personal choice for the project na isinulat ng writer at ng big boss ng Viva na si Vic Del Rosario.

“One faithful day, I got a call from Boss Vic Del Rosario and he told me nga na kinakausap niya sina Sir Ricky Lee and direk Mac Alejandre about this movie that they would like to shoot and ako nga daw ang una nilang choice. So of course, when your boss calls you, I said yes talaga and the rest is history,” reveal ni Andrea.

Sa nasabing movie project, kasama rin ni Andrea ang dalawa sa new gen stars na sina Gold Aceron at Kych Minemoto na binigyan rin ng aktres ng papuri dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang mga trabaho.

“Very nice, because I learned a lot from them. Baligtad e no, I hope they learned also from me. Iba na rin ang mga kabataan ngayon. Makikita mo na ang profesionalism nila and how driven they are sa work nila, sa craft nila, sa skills nila. And it made me look how I look at things with myself like that. So para sa akin, I had to re-assess and re-evaluate myself,” ani aktres.

Matagal na napahinga sa show business si Andrea na naging aktibo as public servant bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Kaya naman, aminado ang sexy-actress na malaki ang kaniyang paninibago sa pag-tanggap muli ng proyekto.

“It’s hard. Siyempre ‘yung mindset mo e, when you enter public service, iba ang mindset mo e ‘di ba? So now that I am back, game creative ka naman. So more on you know, kailangan bumalik ka doon sa pagiging artista. It was hard for me but like I said, I just focused and this is what I am doing now and this is my job, I am an actress and I am a story teller,” ani aktres.

Unti-uniti man na nag-a-adjust, thankful rin si Andrea sa magandang kinalabasan ng kaniyang project na nabigyan agad ng maagang papuri mula sa netizens sa unang pasilip ng trailer ng pelikula.

“Super shocked myself, parang nagkaroon siya ng ibang buhay ba, the beyond us. Sana lang, katulad nga ng sinabi nila direk, sana mag transcend sa ticket sales. Iba kasi pag-trailer e, somehow ma-gauge mo na kung ilang percent ‘yung pupunta sa theater,” pahayag ng aktres.

Bukod sa May-December-January movie, abala rin ngayon si Andrea sa upcoming Kapamilya series na Dirty Linen.