Jane de Leon hindi totoong nag-inarte at pa-diva sa isang provincial show | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jane de Leon hindi totoong nag-inarte at pa-diva sa isang provincial show

Jane de Leon hindi totoong nag-inarte at pa-diva sa isang provincial show

Leo Bukas

Clipboard

Nilinaw ng organizer na kumuha kay Jane de Leon para sa isang provincial show sa Limay, Bataan para sa kanilang celebrity night noong October 7, 2022 (Biyernes), na hindi totoo ang blind item na nag-mahadera at feeling pa-importante ang lead star ng Darna na napapanood sa Kapamilya channel. Nagtataka rin ang organizer kung saan nanggaling ang ganung balita gayung napaka-smooth namang natapos ang show sa Bataan.

Kasabay na nag-show ni Jane sa Bataan ang ilang stand-up comedians, ang bandang Silent Sanctuary, at ang isang TV actor.

Sa sequencing o line-up ng show ay mauunang mag-perform ang mga stand-up comedians na siyang mga front acts. Ang main event bale ay ang bandang Silent Sanctuary na susundan ng TV actor. Si Jane naman ang panghuli o finale.

Base sa report na natanggap namin ay nakiusap ang handler ng TV actor na nandoon sa venue na unahin ito dahil kailangan daw umuwi nang maaga para sa isang TV guesting kinabukasan. Pero dahil may pangalan din naman ang TV actor kaya hindi pinagbigyan ang request na mauna ito bago ang Silent Sanctuary.

ADVERTISEMENT

Nang hindi mapagbigyan ang kanyang request ay bigla itong nakiusap na kung puwede ay gawing pang-finale na lang si TV actor para nga naman mas may impact. Pero dahil hindi naman talaga yon ang sequencing ng performances dahil si Jane talaga ang finale kaya muling na-reject ang request ng handler.

Maayos naman natapos ang show kahit na hindi napagbigyan ang request ng handler ng aktor.

Ngunit ilang araw matapos ang nasabing show ay naglabasan ang kung anu-anong negatibong balita at paninira kay Jane. Na kesyo wala na raw nanood na audience nung turn na ni Jane para mag-perform. Na kesyo sinadya raw nitong magpa-late para siya ang huling mag-perform. Na kesyo pa-diva siya at pa-importante.

“Hindi siya nagmahadera. Hindi siya nag-attitude!” mariing paglilinaw ng organizer ng show sa Limay, Bataan.

Ikinuwento din ng organizer ang nagganap na sa usapan sa handler ng TV aktor para ilinaw na maayos ang pakikitungo nito.

“Pareho sila ng call time ni Jane at ni [aktor] at pareho silang dumating sa oras. Sa line-up ng performers ay si Jane talaga ang finale. Kasi yung mayor namin ay palagi talagang nanonood ng mga ABS-CBN shows pati ng Darna.”

Patuloy pang paliwanag ng organizer, “Nakiusap ang handler ni [aktor] na isalang agad ang kanyang alaga dahil maaga ang call time nito kinabukasan para sa guesting sa isang TV show, at may mall show pa siya sa hapon. Gusto nga ng handler na mauna na si [aktor] bago pa ang Silent Sanctuary

“Pero siyempre, hindi naman puwede yon kaya nagkasundo na pagkatapos mag-perform ng Silent Sanctuary saka susunod si [aktor].”

Nilinaw din ng organizer na mali ang balita na pagkatapos mag-perform ng actor ay nag-alisan na ang mga tao at hindi na pinanood si Jane.

Aniya, “Pagkatapos ni [aktor] hindi nag-alisan ang mga tao. Hinintay din talaga nila si Jane at very warm ang pagtanggap nila kay Jane.

“Yon naman po talaga totoo. Hindi naman nag-attitude si Jane at never na napintasan siya ng tao sa Limay. Super dami pa din ng tao nung nag-perform siya at nag-stay hanggang hindi siya umaakyat ng stage.”

Idiniin din ng organizer na kahit hindi napabigyan ang request ng handler ng aktor ay maayos naman ang kanilang naging usapan at tuluy-tuloy lang ang show noon.

Ipinakita rin sa PUSH ng manager ni Jane na si Tyrone Escalante ang screenshot ng crowd estimate na kuha ng local rescue team at PNP ng Limay, Bataan. 19,000 people ang dumagsa para manood kay Jane at 11,000 naman nung oras nang pagsampa ni [aktor].

“Nakakahiya po na madamay sa isyu si Mayor at ang pamilya niya. Parehong sinuportahan at inabangan ng mga tao sina Jane at [aktor]. Pareho rin silang walang ere at talagang nakipagkulitan pa sila sa mga tao,” sabi pa ng organizer.

Kaya talagang ipinagtataka nila kung saan nanggagaling ang mga paninira kay Jane.

Samantala, mababasa ang reaksyon ng mga taga-Limay, Bataan mismo na pinost nila sa Twitter. Karamihan dito ay pinabulaanan ang mga chismis na pa-diva ang modern day Darna. Malinaw din daw na fake news ang balita.

“Fake news po ang pinapakalat kung saan sinabing nagpa-late si Jane De Leon sa event sa Bataan. Nilinaw na po ito ng mismong organizer at kasama ni Jane De Leon sa nasabing event sa Limay, Bataan. Huwag pong maniwala agad sa FAKE NEWS!”

“All smiles po si Jane at napakagiliw pa nga sa backstage.”

“Only my fellow Bataeños can prove that Jane de Leon was the highlight of that night. She arrived after 11PM and performed at midnight. Many chose to wait for her instead of going home and sleeping. If that's not love, I don't know what is.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.