• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos, malapit na bang mag-settle down kasama si Vickie Rushton?

Jason Abalos magpapatayo ng farm house nila ni Vickie Rushton sa probinsya

Jason Abalos, malapit na bang mag-settle down kasama si Vickie Rushton?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/29/2021 04:47 PM
Jason Abalos magpapatayo ng farm house nila ni Vickie Rushton sa probinsya
Photo Credit: @thejasonabalos Instagram

Malapit nang umpisahan ni Jason Abalos, 36, ang farm house nila ng kasintahang si Vickie Rushton. Ipinakita ni Jason ang plano ng rest house at kung saang  lugar niya ito balak ipatayo sa isa niyang Facebook post.

Si Jason ay lumaki sa Pantabangan, Nueva Ecija at do’n niya raw mismo balak itayo ang farm house. Ayon pa sa previous interview namin kay Jason, mas balak nilang mag-stay sa probinsya kapag kasal na sila ni Vickie.

“Magiging katulong ko ang @lutostoolph para mabuo namin ni @vimrushton ang aming magiging farm house. Kung gusto n’yo kaming samahan para makita kong anong kalalabasan, kita-kita sa YouTube account ko,” caption ni Jason sa kanyang Facebook post.


 

 

Naging palaisipan naman para sa amin kung ano ang ibig sabihin ng post ni Jason tungkol sa bagong career na kanyang tatahakin. May kaugnayan kaya ito sa plano na nilang pagpapakasal ni Vickie o sa balitang pagpasok din niya sa pulitika sa kanilang bayan?

Ani Jason, “3 months ako nag isip kung itutuloy ko ang pagiging civil engineer o papasukin ang showbiz. Halos araw araw kinukulit ako ni Voltaire (talent scout) at araw-araw ding nagdarasal ako para makapag desisyon.

“Pero isang araw sabi ko, ‘Lord, kung gusto mo ako dalhin sa showbiz penge ng 3 signs na may kinalaman sa Lolo ko.’ Binigay ni Lord noon ding araw na yon yong signs na hiningi ko. Siguro ito talaga ang gusto nya maging career ko—ang maging artista.

“At tumagal ako ng 16 taon ng dahil sa kagustuhan ni Lord. Hindi ako nawawalan ng proyekto para magbigay kasiyahan sa mga manonood.”

READ: Jason Abalos handa nang bumuo ng pamilya ngayong graduate na si Vickie Rushton sa pagpa-pageant

Tila humihingi naman ng panibagong sign si Jason para sa isang malaking desisyong balak niyang gawin sa hinaharap habang suot ang singsing na bigay pa sa kanya ng lolo.

“Ngayon suot ko ang singsing ng Lolo ko noong binata pa siya (siguro 80+ years na ito). Ilang Linggo ko na din tinatanong si Lord kung itong bagong career na papasukin ko ay sasangayon sa kanyang kagustuhan. Siya lang ang makakasagot,” caption ng aktor.

Nagpadala kami ng mensahe kay Jason kung ano ang ibig niyang sabihin sa post pero hindi pa niya kami binabalikan. Nagpasalamat naman ang aktor nang i-wish namin siya ng good luck sa kung anumang bagong endeavor na kanyang tatahakin.