• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatakdang gumawa si Piolo Pascual ng dalawang proyekto sa ABS-CBN, kabilang na ang drama series kung saan makakasama niya ang aktres na si Lovi Poe.

Piolo Pascual, isa na muling Kapamilya

Nakatakdang gumawa si Piolo Pascual ng dalawang proyekto sa ABS-CBN, kabilang na ang drama series kung saan makakasama niya ang aktres na si Lovi Poe.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/16/2021 11:59 AM
Piolo Pascual, isa na muling Kapamilya

Isa na muling Kapamilya ang aktor na si Piolo Pascual.

Nitong Huwebes, Setyembre 16, pumirma muli ng kontrata ang tinaguriang Ultimate Heartthrob sa ABS-CBN, ang home network niya nang higit 25 taon.

Isang red carpet welcome ang ibinigay kay Piolo bago ang kanyang contract signing na dinaluhan ng executives ng kumpanya, kabilang na ang ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, at ang talent manager niya sa Star Magic na si Lulu Romero. 


Nakatakdang gumawa si Piolo ng dalawang proyekto sa ABS-CBN. Isa na rito ang drama series kung saan makakasama niya si Lovi Poe, na isa na ring opisyal na Kapamilya.

Bibida rin si Piolo sa isang romantic-comedy series kasama si Angelica Panganiban, na una niyang nakatrabaho sa teleseryeng Mangarap Ka noong 2014 at Star Cinema movie na Every Breath U Take noong 2012.

Matatandaang una nang tiniyak ni Piolo noong Hulyo na kahit hindi siya kasalukuyang napapanood sa ABS-CBN ay mananatili siyang Kapamilya.

“At the end of the day, I never left,” aniya sa panayam ng Cinema One.

“I’m a Kapamilya through and through, I don't have to reiterate that. I’ll be back home for sure, pagkatapos ng mga meetings for sure.”

BASAHIN: Piolo Pascual shares advice on getting into relationships: ‘Don’t fall too soon’

Matatandaang sa Kapamilya network unang sumikat si Piolo, 44, na bumida sa mga sikat na programang Walang Kapalit, Lobo, Lovers in Paris, Noah, at Apoy sa Dagat.

Napanood din siya sa ilang pelikula ng Star Cinema, katulad ng Dekada '70, Till There Was You, Milan, Starting Over Again, The Breakup Playlist, at Last Night.

Noong 2018, ginawa ni Piolo ang huli niyang Kapamilya teleserye na Since I Found You.