John Prats, iiwan na nga ba ang 'FPJ’s Ang Probinsyano' para sa 'It's Showtime'? | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Showbiz
John Prats, iiwan na nga ba ang 'FPJ’s Ang Probinsyano' para sa 'It's Showtime'?

Leah Bueno
Published Aug 06, 2021 01:11 AM PHT
Iiwan na ba ni John Prats ang FPJ's Ang Probinsyano lalo pa't mas magiging busy na siya ngayon bilang bagong direktor ng It's Showtime?

Sa panayam ng ABS-CBN News, aminado ang aktor na hirap siyang balansehin ang kaniyang oras hindi lamang sa pag-aarte at pagdidirek kundi pati sa pagiging ama sa kanyang mga anak.

"It's really hard. Siyempre I have to balance not just ‘Ang Probinsyano’ and ‘Showtime,’ but also my time for my family. Because, you know, may bunso pa ako na kaka-one year old lang. So hanggang may time pa ako, like now, I'm here at home, so I spend it with them talaga," paliwanag ni John.

Ngunit para sa aktor, malaking tulong ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa Ang Probinsyano, higit pa ang lead star at creative head nito na si Coco Martin, na noon pa man ay suportado na umano ang kanyang pagiging direktor.

ADVERTISEMENT
"Ako sabi ko nga, sa buong journey ko rin sa pagdidirek, ibibigay ko rin sa matalik kong kaibigan, kay Coco... Nung dumating 'yung time na kainitan ng pagdidirek ko sa concert, 2018 to 2019, may mga schedules ako na bumabangga sa 'Probinsyano'. Pero 'yung suporta sa akin ni Coco, bilang siya 'yung creative head at siya 'yung direktor ng 'Probinsyano', kapag may sinabi ako sa kanya, 'Paps, kasi may schedule ako, babangga.' 'Walang ano 'yun, sige, ako na bahala,'" pagbabahagi ni John.

"Sobra niyang suportado 'yung pagdidirek ko, at nararamdaman ko 'yun every time nag-uusap kami," patuloy pa niya. "Kung gaano siya ka-proud sa akin at kung gaano rin ako ka-proud sa kanya, kung ano 'yung achievements niya. Kasi siya rin direktor, eh. Iba lang. Narrative lang pagdidirek niya, ako non-narrative. So natutuwa kami sa pagkakaibigan namin na parehas kami ng tinatahak. Magkaiba lang ng field na dini-direk but we have the same objective."

Sa panayam, naikwento rin ni John kung paano sila nagtutulungan ni Coco bilang mga direktor.

"Whenever I have a problem with a segment or pinag-uusapan namin 'yung 'Showtime' ko, may mga suggestions 'yan. Para kaming nagbe-brainstorming. Same thing sa side din niya, kapag din nagka-problema sa istorya, we pitch. Kung ano mang pwedeng mangyari," aniya.

Dagdag niya: "So hindi ko naramdaman 'yung hesitations from Coco dahil nagdi-direk ako. Talagang ramdam ko ‘yung pagmamahal niya at 'yung suporta niya."

Ayon sa aktor, na limang taon nang parte ng Ang Probinsyano, nakatakda siyang pumasok sa panibagong cycle ng lock-in taping para sa sikat na serye. Pansamantala umanong magkakaroon ng ibang direktor ang It's Showtime habang siya ay nasa "bubble" na inaasahang tatagal ng tatlong linggo hanggang isang buwan.

"Doon naman sa aspeto na kung ano nang mangyayari sa akin, for now I'll enter the bubble for FPJ's Ang Probinsyano again for this round, and then go back to Showtime," aniya.

"'Yun pa lang. Then we'll see kung ano 'yung magiging decision ng management kung anuman. Kasi, kami naman, kung saan kami ilagay, we will just do our best," sabi pa niya.

Samantala, sa tanong kung mamamaalam na ba ang kanyang karakter sa programa, natatawang sagot ni John: "Hindi ko pa... Wala pa naman sinasabing ganun."

Kasalukuyang napapanood si John bilang si Jerome sa FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.