• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiriwang ni Ogie Alcasid ang kanyang ika-54 kaarawan ngayong Biyernes, Agosto 27.

Regine Velasquez, may matamis na mensahe para sa kaarawan ni Ogie Alcasid

Ipinagdiriwang ni Ogie Alcasid ang kanyang ika-54 kaarawan ngayong Biyernes, Agosto 27.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/27/2021 10:54 AM
Regine Velasquez, may matamis na mensahe para sa kaarawan ni Ogie Alcasid
Photo Credit: @reginevalcasid and @ogiealcasid Instagram

Ibinahagi ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng asawa na si Ogie Alcasid.

Ipinagdiriwang ng singer-songwriter ang kanyang ika-54 na kaarawan ngayong Biyernes, Agosto 27.

Sa Instagram, maiksi pero matamis ang naging pagbati ni Regine para sa asawa.


"Para sa pinaka-poging tao sa buhay ko, happy birthday. I love you baba," aniya.

 

 

Sagot naman ni Ogie: "Mahal na mahal kita."

Nauna nang ibinahagi ni Regine ang kanyang hiling para sa kaarawan ni Ogie noong bumisita sila sa Magandang Buhay nitong linggo.

"More than wish, I just want to say thank you to him for taking care of me while I was sick. Taking care of the whole family. Alam mo kapag asawa mo, kung ano ang sakit mo, sakit niya rin 'yon. Hindi man niya physically mararamdaman but he carries it because he doesn't want to see you suffer like that. So he was suffering with me," ani Regine, na kamakailan ay dumanas nang matinding migraine.

Patuloy pa niya: "I thank God for him every day. I told him this the other day. I don't know if it's at all possible kasi I am so in love with him, nadagdagan pa. Hindi ko alam kung posible pa 'yon pero I'm so, so, so in love with my husband, nadagdagan pa. And I just want to say thank you for taking care of me.

"Nakakatuwa 'yung first time niya ako minassage umiiyak ako the whole time not because kasi masarap 'yung massage. I was very touched na he was doing that for me and I know that he's very tired. He came from taping the whole day and he was giving me massage. So parang 'are you serious?' So nandoon ako umiiyak ako talaga, 'di dahil masakit 'yung ulo ko but I was deeply touched by the gesture, the effort."

BASAHIN: Ogie Alcasid shares birthday message for wife Regine Velasquez

Magla-labing isang taon nang kasal sina Regine at Ogie.

Ikinasal sila noong Disyembre 22, 2010 sa isang private ceremony sa Batangas. Mayroon silang isang siyam na taong gulang na anak, si Nate.