• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala ni Vilma Santos kung ano ang naging reaksyon ng kanyang anak na si Luis Manzano noong nalaman nitong maghihiwalay na sila ng dating asawa na si Edu Manzano.

Vilma Santos, inalala ang naging reaksyon ng anak na si Luis sa hiwalayan nila ni Edu Manzano

Inalala ni Vilma Santos kung ano ang naging reaksyon ng kanyang anak na si Luis Manzano noong nalaman nitong maghihiwalay na sila ng dating asawa na si Edu Manzano.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/25/2021 01:51 PM
Vilma Santos, inalala ang naging reaksyon ng anak na si Luis sa hiwalayan nila ni Edu Manzano
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

Inalala ni Vilma Santos kung ano ang naging reaksyon ng kanyang anak na si Luis Manzano noong nalaman nitong maghihiwalay na sila ng dating asawa na si Edu Manzano.

Ayon sa beteranang aktres, four years old lamang si Luis noong nagdesisyon sila ni Edu na maghihiwalay na sila.

"Unfortunately, hindi naging successful 'yung marriage namin ni Eduardo. I think you were four years old then, anak," ani Vilma sa pinakabagong vlog ni Luis. 


Kuwento ni Vilma, dinala nila noon si Luis sa Libingan ng mga Bayani para doon sabihin sa kanya na maghihiwalay na sila. 

"Kaya ka namin doon dinala ng Daddy mo kasi walang tao doon. Basta 'yun ang naaalala ko. And then kinausap ka naming dalawa. Kahit na four years old ka noon, pinalwanag namin kung ano 'yung nangyayari sa relationship namin. At pinaalam namin sa iyo na mahal ka naming dalawa," aniya.

Dito na niya ibinahagi kung ano ang naging reaksyon ni Luis.

"Alam mo kung anong sinagot mo anak? Naalala mo? Sabi lang niya sa amin, 'It's okay. Boy need girl, girl need boy.' 'Yun ang sinabi mo anak," sabi niya.

BASAHIN: Luis Manzano, nag-Zumba kasama ang inang si Vilma Santos

Taong 1982 noong naghiwalay sina Vilma at Edu matapos ang dalawang taon na pagsasama bilang mag-asawa. 

Si Luis ang nag-iisang anak ng dalawa.

Matapos ang kanilang hiwalayan ay nag-asawa muli si Vilma. 

Ikinasal siya noong 1992 sa senador na si Ralph Recto. Mayroon din silang isang anak na si Ryan Christian Recto.

Samantala, ayon kay Vilma, kahit pa hindi sila nagkatuluyan ni Edu ay nananatili silang mabuting magkaibigan.

"Anyway kami ngayon ng dad mo, napakaganda ng aming pagsasamahan. Meron din siya, at maligaya siya sa kanyang buhay ngayon, and same here. Basta ang importante, we're one family, anak," aniya.