• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinagiliwan ng netizens ang bagong vlog ng TV host na si Luis Manzano kung saan nagsilbi siyang Zumba instructor ng ina na si Vilma Santos-Recto.

Luis Manzano, nag-Zumba kasama ang inang si Vilma Santos

Kinagiliwan ng netizens ang bagong vlog ng TV host na si Luis Manzano kung saan nagsilbi siyang Zumba instructor ng ina na si Vilma Santos-Recto.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/11/2021 03:06 PM
Luis Manzano, nag-Zumba kasama ang inang si Vilma Santos
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

Kinagiliwan ng netizens ang bagong vlog ng TV host na si Luis Manzano kung saan nagsilbi siyang Zumba instructor ng kanyang ina na si Vilma Santos-Recto.

Sa vlog, game na game na nakipagkulitan si Luis sa kanyang "momski" at mga Zumba classmates nito habang nagtuturo ng sayaw. 


"Gusto kong sabihin, kaya ko pinasok 'to dahil gipit ako," hirit ni Luis.

"Wala kang inaabot lately," sabi pa nito sa ina. "Wala kang inaabot, nasanay ako na may konting paayuda. Ngayon, nganga."

Ilan sa mga nakakatawang moves na itinuro ni Luis sa ina at mga kasama nito ay ang "open-open, offer-offer", "the shake", "lick it", at ang kanyang signature "gwapo" dance move. Pagkatapos nito ay sabay sabay na sumayaw ang grupo sa kanyang bagong awitin na "How 2 BU (Ang Gwapo Ko)."

BASAHIN: Luis Manzano, naglabas ng awitin: ‘Lakas maka-good vibes’

Sa ngayon umabot na sa higit 250,000 "views" ang nasabing vlog at may 2,000 komento.

Karamihan sa komento ng netizens ay nagpapahayag ng kanilang saya na makitang magkasama ang mag-ina.

"You should always have your mom included sa mga vlogs mo. Very positive ang vibes niyong dalawa," sabi ng isang netizen.

"Dancer talaga si Vilma, dali niyang nakuha ang steps. Grabe kayong mag-ina, sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Salamat sa pagpapasaya sa amin ngayong pandemic," dagdag pa ng isa.

Si Luis, 40, ang nag-iisang anak ni Vilma, na tinaguriang "Star for All Seasons", sa dating asawa nito na si Edu Manzano.