• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinatayang humigit kumulang dalawang milyong ang ginastos ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang all-pink OOTD na sinuot sa laban ng kanyang asawa.

OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny Pacquiao, nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso?

Tinatayang humigit kumulang dalawang milyong ang ginastos ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang all-pink OOTD na sinuot sa laban ng kanyang asawa.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/25/2021 09:04 AM
OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny Pacquiao, nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso?
Photo Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Agaw-pansin ang naging kasuotan ni Jinkee Pacquiao sa naging laban ng kanyang asawa na si Manny Pacquiao kay Cuban professional boxer na si Yordenis Ugas kamakailan. 

 

 

Ngunit magkano nga ba ang inabot ng kanyang naging all-pink na kasuotan na pinagkaguluhan sa social media? 

Inilahad sa Instagram account na @jinkeepacquiaocloset kung magkano ang inabot ng lahat ng naging kasuotan ng asawa ng boxing champ. Fina-follow mismo ng nasabing account ni Jinkee Pacquiao. 

READ: Jinkee Pacquiao pens message for husband Manny Pacquiao: ‘You are forever the champion of our hearts’

Ayon sa nasabing account, ang Shelly cutout pink linen-voile mini dress mula sa Zimmerman ay nagkakahalaga ng $870 o P43,530.

 

 

Ang Mini Lady Dior pink alligator bag naman ni Jinkee ay naglalaro sa mahigit kumulang $9,500 to $11,145 (o P475,000 hanggang P558,000).

Samantala, ang Bypass Ball 18k yellow gold bracelet naman nito mula sa Tiffany and Co. ay umaabot ng $1,950 o 97,568.25 at ang City HardWear 18k yellow gold and diamond pavée bracelet naman ay aabot sa $18,500 o nasa P925,647. 

 

 

Maliban pa dito, may suot din si Jinkee na Jewel Box 18k yellow gold and emerald-cut pink tourmaline necklace mula sa Tiffany and Co. na nagkakahalaga ng $4,725 o nasa P236,415. 

 

 

Aabot naman sa P4,551 o nasa P227,945 ang 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite na suot ni Jinkee mula sa Boucheron. 

Hindi pa dito kasama ang iba’t-ibang mga singsing na suot ni Jinkee sa kanyang kamay at designer heels na suot niya sa mismong laban. 

Tinatayang nasa mahigit dalawang milyon piso ang halaga ng nga suot ni Jinkee para sa kanyang OOTD na suot sa laban ng kanyang asawa. 

READ: Jinkee Pacquiao's dress at Pacman fight worth almost P300K

Kilala si Jinkee sa pagsusuot ng mga magagarbong damit at mamahaling mga alahas.