• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Maris Racal na natakot siya noon na aminin ang relasyon nila ni Rico Blanco dahil sa kanilang 25-year age gap.

Maris Racal, natakot aminin ang relasyon kay Rico Blanco dahil sa kanilang age gap

Aminado si Maris Racal na natakot siya noon na aminin ang relasyon nila ni Rico Blanco dahil sa kanilang 25-year age gap.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/13/2021 09:12 AM
Maris Racal, natakot aminin ang relasyon kay Rico Blanco dahil sa kanilang age gap

Aminado si Maris Racal na natakot siya noon na aminin ang relasyon nila ni Rico Blanco dahil sa kanilang 25-year age gap.

Sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Agosto 12, natanong si Maris kung napag-usapan ba nila ni Rico kung paano nila aaminin ang kanilang relasyon sa publiko. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

 

"Lagi po naming pinag-uusapan, pero every time na ganun po 'yung topic, natatakot talaga ako, nape-pressure ako. Kasi natatakot ako sa kung anong iisipin ng mga tao," pag-amin ni Maris.

"Kasi strange po 'yung relationship namin because of the age gap. It's like the big elephant in the room, so parang natatakot ako [sa kung anong sasabihin ng] mga tao," sabi pa niya.

Ngunit masayang pahayag ni Maris, nagulat siya sa naging reaksyon ng publiko matapos niyang aminin ang totoong estado nila ni Rico. 

"I'm really, really surprised sa reaksyon nila. Hindi ko in-expect na matutuwa pala sila," aniya.

BASAHIN: Maris Racal did not expect the positive reaction to her relationship with Rico Blanco

Marso nitong taon nang aminin ni Maris na may relasyon sila ni Rico.

Nagsimulang ma-link ang dalawa noong nag-post ang aktres ng kanyang birthday greeting para sa OPM icon. Sa kanyang naging pag-amin, sinabi ni Maris: "Kami po ni Rico... I think basing po sa post na ginawa ko po, I think it's very obvious."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

 

Sa programa, inamin din ni Maris na bago pa mag-pandemic nagsimula ang relasyon nila ni Rico.

Nang matanong kung bakit sa tingin niya ay nagki-click sila ni Rico, sagot niya: "I guess, before I would say music. Kasi doon kami start na nag-click talaga. But now, siguro malaking percentage 'yung pareho kami ng values sa life. Pareho po kami na may malaking family and very close together. So gets namin 'yung paano mag-treat ng family. 'Yun 'yung pinaka-importante talaga sa amin."

Inilarawan din ng aktres kung paano si Rico bilang boyfriend.

"Simple lang si Rico na boyfriend. Hindi siya 'yung tipong araw araw nagbibigay ng bulaklak. Kaya every time na nagbibigay siya ng flowers, kinikilig ako kasi hindi siya ganun. Simple lang siya. So every time may ibibigay siya, kinikilig ako," sabi niya.