• Home
  • Fresh Scoops
  • Present sa special day ni Ara Mina ang ex-boyfriend nito na si Patrick Meneses

Patrick Meneses, ipinaabot ang unconditional love para sa ex na si Ara Mina

Present sa special day ni Ara Mina ang ex-boyfriend nito na si Patrick Meneses

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/02/2021 05:12 PM
Patrick Meneses, ipinaabot ang unconditional love para sa ex na si Ara Mina
Photo credit: @patrick_meneses IG

Labis na papuri ang natanggap ng ex-boyfriend ni Ara Mina na si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa naging post nito sa social media.

Isa lang si Patrick sa mga present sa naging kasal ng aktres sa mister na nito na si Dave Almarinez sa Alphaland Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

LOOK: Ara Mina marries fiancé in Baguio


Sa Instagram post ng Mayor, makikita ang kaniyang kuha kasama ng ex-girlfriend at mister nito matapos ang wedding ceremony.

 

 

Sa caption, mababasa rin ang mensahe ni Patrick para sa ex- na si Ara. “We hardly ever come across a love that is unconditional & so committed to each other, transcending the test of time and growing even stronger through trials,” sambit ni Patrick sa post.

Bilang isang malapit na kaibigan, masaya rin si Patrick sa memorable occasion para sa buhay ng kaniyang ex kasama ang kabiyak nito sa habang buhay.

“I am honored to have witnessed such promising love that you both shared during this memorable occasion. Wishing you both all the best & a Happy Ever After!” ani Patrick na sinundan ng emoji. Patuloy pa niya, “Cheers Haze & Dave. Much love as always!”

Si Patrick ang ama ng six-year-old daughter ni Ara na si Mandy. Hindi man na-uwi sa kasalan ang kanilang relasyon, nanatiling mabuting magkaibigan naman ang aktres at ang Mayor.

 

 

Matatandaan na taong 2015 nang napaulat ang naging hiwalayan ni Ara at Patrick.