Kuya Kim Atienza, ikinuwento ang pinagdaanang madilim na yugto ng kanyang buhay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kuya Kim Atienza, ikinuwento ang pinagdaanang madilim na yugto ng kanyang buhay

Kuya Kim Atienza, ikinuwento ang pinagdaanang madilim na yugto ng kanyang buhay

PUSH TEAM

Clipboard

Ikinuwento ni Kim Atienza ang kanyang kinaharap na madilim na yugto ng kanyang buhay.

Sa panayam ng TV show host kay Rica Peralejo, inamin ni Kuya Kim na gaya ng marami ay marami din siyang pinagdaanan ngayong pandemya.

Kwento ni Kuya Kim, hindi din umano siya mapakali lalo pa’t akala niya ay mawawala na ang kanyang pinagkukunan ng kabuhayan.

“Kung ano ang pinagdaanan ng marami, pinagdaanan ko din. I went through a lot of things. Sabay-sabay ‘yan. So I would get anxious about the pandemic. Then nawala ang franchise ng ABS. I lost my means to be able to assert myself to my family that I am the provider,” ani Kuya Kim.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya: “Kasi akala ko talagang mawawala eh. And then the kids were going through a lot of things also. And then, of course, relationship with the wife. Sabay-sabay lahat ‘yan eh. So talagang para kang bugbog-sarado.”

Malaking bagay din umano para kay Kuya Kim ang kanyang pagiging Kristiyano na aniya’y nagbigay sa kanya ng pag-asa.

“But I’m thankful dahil kung hindi ako Kristiyano, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. But as a Christian kasi, palaging may hope palagi,” saad ni Kuya Kim.

Paglalarawan ni Kuya Kim sa kanyang pinagdaanan, may mga pagkakataon umanong nararamdaman niyang nababalot siya ng kadiliman.

“May mga araw na para akong nasa balon, may mga araw na parang nababalot ako ng kadiliman. I go back to the Word all the time. And I think of characters in the bible that give me inspiration,” saad ni Kuya Kim.

Pagbabahagi pa nito, nakaramdama din umano siya ng pag-iisa noong mga panahong iyon.

“There was a time last year during quarantine when I felt I was alone. I felt I had no one in my left, no one in my right. And I was in the dark. But King David, in one of the Psalms said that your praise will forever be on my lips,” saad niya.

May payo naman si Kuya Kim sa mga gaya niya na dumaan din sa pagsubok sa buhay.

“Kung akala niyo si Kuya Kim napaka-steady, there was time when I was a bit depressed, a bit bothered. If you have to see a professional, go. Prayer works. But if you have to see a professional or a mentor or a pastor or a grief counselor, it works,” sambit pa niya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Samantala, sinabi din ni Kuya Kim na kailangan lang manalig at isipin na mayroong masasandalan sa mga ganoong sitwasyon.

“In case it happens, worry not. If you think that life is so stable and life is so beautiful, it is beautiful, but there will be 180-degree turns, there will be pauses. But when it happens, take comfort that there is someone in control. And it is not you. And all we need to do is believe and lean on Him totally,” saad ni Kuya Kim.

Sinabi din ni Kuya Kim na ngayong pandemya lang siya kumapit ng todo sa Diyos sa buong buhay niya.

“Never was there a time in my life that I totally leaned on my Savior Jesus Christ than this pandemic,” aniya.

Inamin ni Kuya Kim na si Rica at ang asawa nitong si Jospeh Bonifacio na isang pastor ang dahilan kung bakit siya naging isang ganap na Kristiyano.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.