• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdadalamhati ngayon ang mga kapamilya at kaibigan ng radio and TV host na si Shalala Reyes sa kaniyang biglang pagpanaw.

Radio and TV Host Shalala Reyes, pumanaw na

Nagdadalamhati ngayon ang mga kapamilya at kaibigan ng radio and TV host na si Shalala Reyes sa kaniyang biglang pagpanaw.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/23/2021 11:18 AM
Radio and TV Host Shalala Reyes, pumanaw na
Photo Credit: @shalala0121 Instagram

Labis na pagluluksa ngayon ang bumungad sa mundo ng showbiz sa biglaang pagpanaw ng radio at TV host na si Shalala Reyes o Carmelito Reyes sa tunay na buhay.

Umaga nitong Miyerkoles, June 23, pumanaw si Shalala sa edad na 61 sa Fe Del Mundo Hospital sa Quezon City dahil sa komplikasyon ng tuberculosis at pneumonia. 

Ayon sa kaanak na si Melissa Reyes, pumanaw nitong pasado 7:30 ang kanilang kaaanak at nilinaw na negatibo ito sa COVID-19. 


Plano rin ng kanilang kaanak na iburol si Shalala sa St. Peter sa Quezon Ave. 

Sa ngayon, wala pang detalye sa iba pang plano ng pamilya.