Alex Gonzaga, gustong magkaroon ng dalawang anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alex Gonzaga, gustong magkaroon ng dalawang anak

Alex Gonzaga, gustong magkaroon ng dalawang anak

Pau Benoza

Clipboard

Nais ni Alex Gonzaga na magkaroon ng dalawang anak, kasunod ng pagpapakasal niya sa nobyong si Mikee Morada noong nakaraang taon.

Ito ang naging pag-amin ng aktres at vlogger nang maglaro sila ng kaniyang asawa ng "Newlywed Game" sa kanyang vlog, kung saan sinalang ang dalawa sa serye ng mga tanong para malaman kung gaano nila kakilala ang isa't isa.

Sa laro, ibinahagi ni Alex ang plano nila ni Mikee na bumuo ng sariling pamilya sa susunod na limang taon.

"In five years, we'll probably have two kids. Isang toddler tsaka isang baby. Tapos nakatira na kami doon sa pinagagawa naming bahay na tinulungan kami ng parents namin pareho," ani Alex.

ADVERTISEMENT

Matatandaan na simula noong ikinasal sila ni Mikee ay ilang beses nang napabalitang buntis si Alex.

Nito lamang Marso, muling naging laman ng balita ang aktres matapos niyang mag-tweet tungkol sa isang malaking biyaya na inakala ng marami ay may kinalaman sa pagbubuntis.

"Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really an ordinary day!!! I got a big blessing today! Praise God! Claim mo talaga!" ani Alex sa kanyang tweet.

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Alex at sinabing ibang biyaya ang tinutukoy niya.

"Wooops. Sorry hindi pa po. Ibang blessing po sinasabi ko. Waking up every morning is a already a blessing," aniya.

Nobyembre 2020 nang magpakasal sina Alex at Mikee, matapos ang apat na taon bilang magkasintahan. Ginanap ang kanilang civil wedding sa bahay ni Alex sa Taytay, Rizal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.