• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na ang marami para sa posibleng proyekto na pag bidahan ni John Lloyd Cruz.

Malou Santos, Willie Revillame, and Frontrow mogul Sam Verzosa to produce John Lloyd Cruz movie comeback?

Excited na ang marami para sa posibleng proyekto na pag bidahan ni John Lloyd Cruz.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/19/2021 02:33 PM
Malou Santos, Willie Revillame, and Frontrow mogul Sam Verzosa to produce John Lloyd Cruz movie comeback?
Photo Credit to Sam Verzosa Facebook

Tila palaisipan ngayon sa maraming netizens ang isang social media post ng business mogul na si Sam Verzosa ng Frontrow kasama ng ilang malalaking pangalan sa larangan ng entertainment.

Sa nasabing post kalakip ang ilan sa mga retrato nina Malou Santos, Bobot Mortiz, Cathy García-Molina, Willie Revillame at ang nagbabalik na si John Lloyd Cruz.


Matatandaan na kamakailan lang, naging laman ng social media ang maugong na balik-showbiz ng aktor sa ilalim ng Crown Artist Management na pagmamay-ari ni Maja Salvador.

 

 

Sa nasabing post, hindi naging malinaw kung tila simula na ba ito ng usapin sa pagbuo muli ng proyekto ng aktor.

Huling napanood si John Lloyd Cruz sa Finally Found Someone kasama si Sarah Geronimo ang pelikulang produced ng ABS-CBN Films taong 2017.

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang mga posibleng proyekto na maaring gawin ni John Lloyd sa ilalim ng kaniyang bagong management team na inaabangan ngayon ng maraming supporters ng aktor.