• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaori Oinuma at Belle Mariano, nagkwento tungkol sa iWant series na ‘He’s Into Her.’

‘He’s Into Her’ cast, nagkwento tungkol sa upcoming iWant series

Kaori Oinuma at Belle Mariano, nagkwento tungkol sa iWant series na ‘He’s Into Her.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/24/2021 11:25 AM
‘He’s Into Her’ cast, nagkwento tungkol sa upcoming iWant series
Photo credit: @kaori_oinuma and @belle_mariano Instagram

Sa pinaka latest na Starmagic news update, ibinahagi ng ilang cast ng newest iWant series na “He’s Into Her” ang ilang detalye sa kanilang mga role at kanilang excitement sa showing nito. 

Unang nagkwento ay si Kaori Oinuma, na gaganap bilang Michiko. 

Si Michiko ay simple, mabait. Kumpara sa isa pang kaibigan nila na si Naih na kikay, siya naman demure.”  


Inilahad din niya ang ilang naganap off-cam bago ang shooting ng series. 

Bago kami isalang ni direk doon, nagkaroon muna lahat ng team building. Siyempre hindi mawawala ang food break, isa yun sa bonding namin. And ayun yung kwentuhan, lahat magkakasundo, dahil siguro magkakasing-edad lang kami halos so madali sa amin na magkasundo agad-agad.” 

Ang isa sa main cast na si Belle Mariano,sinabing excited na sila sa pag-launch ng series dahil sa kasikatan ng wattpad novel na “He’s Into Her” at maraming naghihintay na mapanood ito. 

With the guidance of direk, the whole cast, the production, every one behind ‘He’s Into Her,’ I wouldn’t be this excited and I wouldn’t be this confident if di ko nabigyan ng justice yun character ko. I’m really excited and as excited as I am, a lot have been waiting for this as well. I can’t wait for everyone to see He’s Into Her. Now finally, the long wait is over,” sabi ni Belle. 

Bukod dito ay nirelease na rin ng boy group na BGYO ang official lyric video at visualizer ng theme song ng series. 

Ilan sa makakasama ni Belle at Kaori sa "He’s Into Her" ay sina Donny Pangilinan, Rhys Miguel, Joao Constancia at Criza Taa. 

The series drops on iWant this May.