• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakikita ni Jake Ejercito na hindi nahihirapan ang anak na si Ellie sa setup nila ni Andi Eigenmann.

Jake Ejercito, masaya sa smooth co-parenting set-up nila ni Andi Eigenmann para kay Ellie

Nakikita ni Jake Ejercito na hindi nahihirapan ang anak na si Ellie sa setup nila ni Andi Eigenmann.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/17/2021 04:44 PM
Jake Ejercito, masaya sa smooth co-parenting set-up nila ni Andi Eigenmann para kay Ellie
Photo credit: @unoemilio Instagram

Isang masayang father and daughter bonding ang ibinahagi ni Jake Ejercito sa kaniyang anak na si Ellie.

Si Ellie ang nag-iisang anak ni Jake sa aktres na si Andi Eigenmann.

Matatandaan na kamaailan ay trending sa social media ang naging pagbisita ni Jake sa Siargao kung saan naka base ngayon ang ina ni Ellie na si Andi kasama ang partner nito na si Philmar Alipayo at dalawang nitong anak.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Actually what happened was, si Ellie was in Siargao with her mom, with Andi. And then, wala naman, hindi naman siya vacation trip. Actually more on daddy duty siya,” paliwanag ni Jake sa exclusive interview ng Cinema News home edition.

Paliwang ni Jake: “I went there just to pick her up (Ellie) para sunduin siya kasi nga considering si Andi may bagong baby, she has Lilo also, mahihirapan siya kung siya pa ang magdadala dito kay Ellie, so nakiusap sa akin si Andi, kung puwede ko sunduin si Ellie and that’s what I did,” ani Jake.

Ayon kay Jake, ito ang unang beses niyang nakarating sa Siargao Island, kaya naman isang special tour ang ibinigay sa kaniya ng only daughter na si Ellie sa kaniyang naging pagbisita roon.

Yeah, basically, I was there for four days and three nights, and yun nga. What’s wonderful about it was, naging parang tour guide ko si Ellie, dahil nga basically parang local na siya doon e, parang local na siya and ako first timer, so si Ellie ang nag-ikot sa akin I asked her to show me kung saan siya nag pupunta every day, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain. So ‘yun ang mga inikot namin while I was there,” masayang sambit ni Jake.

Bukod sa first time sa Siargao, ito rin ang unang beses na nakilala ni Jake ng personal si Philmar Alipayo. Ang fiancé ni Andi Eigenmann.

“Si Lilo na meet ko na dito sa Manila, and then the youngest si Koa, I met there in Siargao and also si Philmar. It was a first time also na I met him (Philmar Alipayo) when I was there,” sambit ni Jake.

Bilang isang ama, masayang masaya rin si Jake sa mutual understanding nila ni Andi pagdating sa co-parenting set up nila para sa kanilang anak na si Ellie.

Para kay Jake, nakikita niya na hindi nahihirapan ang kanilang anak na si Ellie sa set up nila ni Andi.

I don’t really ask Ellie about it, parang na o-observe ko lang sa kaniya, kasi siyempre Andi and I, ‘yung relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya smooth eversince. Marami kaming pinagdaanan na phases, siyempre before immature pa kami and everything. So medyo malayo din ‘yung nilakbay bago naging ganito ka settled and smooth. And I don’t ask Ellie about it,” sambit pa ni Jake.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Patuloy niya: “Nakikita ko lang sa kaniya dati may times na kapag magulo, siyempre nakikita ko kay Ellie na nahihirapan din siya. And what’s good about now is parang kasi ang priority naming is ‘yung what’s good for Ellie, ‘yung ang motivation namin si Ellie. So nakikita ko sa kaniya na, hindi na siya nahihirapan, smooth lahat, okay ‘yun communication,” paliwanag ni Jake.

At kahit limitado ang kanilang oras ng anak na si Ellie, bilang ama sinisgurado rin ni Jake na walang nasasayang na minuto sa tuwing sila ay magkasama na kaniyang ibinabahagi naman sa kaniyang mga posts sa social media.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Whenever I see the comments, it’s flattering and humbling, but at the same time kasi parang I just want to be the best dad for Ellie e, so I don’t see anything special about it. Especially in my case, considering na hindi ko siya lagi kasama, so every time na I’m with her, I make it a point na sulitin ‘yung opportunities na ‘yun, I make the most out of it.

Dahil turning 10 na ang kaniyang only daughter, alam ni Jake na marami nang changes sa personality ni Ellie na isa rin sa kaniyang pinaghahandaan ngayon.

“Sa totoo lang, she hates it, Parang recently parang ayaw na niyang tinatawag ko siyang princess. Recently, siguro alam mo ‘yun she’s turning 10 so medyo nagma-mature na hindi na baby, she’s already a tween hindi siya baby, she’s not quite a teenager pero alam mo ‘yung andon na siya sa stage na ‘yun na ayaw na niyang bini-baby-baby siya,” saad pa niya.

And as a father to Ellie, proud din si Jake na sa kabila ng mga pinagdaanan nila ni Andi noon, nasusubaybayan niya ang paglaki ng kanilang anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Pagbibiro pa ni Jake, magkahalo ang personality ni Ellie na nakuha sa kanilang mga ugali ni Andi.

One of our similarities, is were both very, very shy kami ni Ellie. I guess si Andi rin naman e’ medyo mahiyain rin si Andi, si Ellie isn’t that expressive e, pero like once in a while like out of nowhere, mag ‘I love you Dad’ mag ‘Thank you Dad’, ‘yun na ‘yun for her and more than enough na ‘yun for me when I hear those words from her” pahayag pa ni Jake.