• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya rin si Ellen Adarna sa magandang relasyon na binuo ni Derek Ramsay sa kaniyang anak na si Elias.

Kasunduan ng ina ni Ellen Adarna at Derek Ramsay: ‘No return, no exchange’

Masaya rin si Ellen Adarna sa magandang relasyon na binuo ni Derek Ramsay sa kaniyang anak na si Elias.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/15/2021 01:42 PM
Kasunduan ng ina ni Ellen Adarna at Derek Ramsay: ‘No return, no exchange’
Photo Credit: @ramsayderek07 and @maria.elena.adarna Instagram

Kasunod ng pinag usapang wedding proposal ni Derek Ramsay kay Ellen Adarna, masaya at looking forward na ngayon ang mga taong malalapit sa couple kabilang na ang kanilang mga magulang.

Ayon kay Ellen, may basbas ng kaniyang ina ang naging desisyon nila ni Derek na ituloy sa kasalan ang kanilang relasyon.


Matatandaan na sa mga pahayag noon ni Ellen, aminado ito na hindi niya nakikita ang kaniyang sarili na magpapakasal.

“I think she’s really and I know she’s really happy because I’m always talking to her and telling her na ‘wag na kayong umasa na magpakasal ako,’ kasi I really don’t want to get married and if ever na magpakasal ako, hindi niyo na malalaman. Uuwi na lang ako with the husband,” pahayag ni Ellen sa exclusive interview ng Cinema News home edition.

Sa parehong panayam rin, pabiro rin sinabi ni Derek ang naging basbas sa kaniya ng ina ni Ellen.

“Sabi niya ‘Sure ka? No return, no exchange ha,’” masayang sambit ni Derek.

At bilang isang ina rin, masayang masaya naman si Ellen sa closeness ng kaniyang anak na si Elias sa kaniyang fiancé.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

 

“I think, if they weren’t close we wouldn’t be here right now, we couldn’t be engaged, parang we’re still boyfriend girlfriend and it won’t get here,” ani Ellen.

At bilang future wife ni Derek, pinuri rin ni Ellen ang naging pag aaruga ng fiancé sa kaniyang anak.

“Derek is very good with kids, and it’s good that he have a lot of energy to play with kids, and he’s very athletic because I don’t know how to play with the boys so I told him that before, I really don’t know to play with them like yung takbo takbo, like yung cars cars na ganyan, hindi ko yan trip,” masayang sambit ni Ellen.

Para naman kay Derek na isa na rin ama, tila throwback feelings para sa kaniya ang bonding moments nila Elias na kanya ring ginawa noon sa kanyang anak.

“Siyempre, nakakatuwa I mean, it’s hard kasi with my son, I missed out those years, I’ve always loved kids, I really love and enjoy kids, so of course yung priority, and I told Ellen that her priority should be Elias and I’ll always be number two and I’m okay with that and that’s what I want to be. Ako naman, I have to work on both relationships because theirs apart from each other, it’s just perfect na talagang magkasundo kami ni Elias and he seems to be, that he’s very attached to me,” paliwang ni Derek.

Masaya rin si Derek na ramdam niya na may tiwala sa kaniya ang fiancée.

“It’s hard for a kid to get out of his comfort zone… and it only goes that he trusts you and it shows he trusts me, it’s nice that we share that kind of relationship and Ellen trusts Elias with me and she knows I will take care of him and love him. So I’m here playing the favorite uncle trying to be anyway.”