• Home
  • Fresh Scoops
  • Focused din si Arabella del Rosario sa pagiging veterinary student.

EXCLUSIVE: Star Magic artist Arabella del Rosario shares how Jimuel Pacquiao is as a boyfriend

Focused din si Arabella del Rosario sa pagiging veterinary student.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/29/2021 06:46 PM
EXCLUSIVE: Star Magic artist Arabella del Rosario shares how Jimuel Pacquiao is as a boyfriend

Hindi itinanggi ng Star Magic artist na si Arabella Del Rosario na siya ang girlfriend ni Jimuel Pacquiao, anak ng boxing champ na si Manny Pacquiao. Hindi rin niya idinenay na kamay niya ang hawak-hawak ni Jimwell sa isang post nito sa social media.

“Opo. Girlfriend niya po ako,” pag-amin ni Arabella nang makausap siya ng PUSH sa virtual presscon ng Orabella Philippines kung saan siya ang brand ambassador.

LOOK: Jimuel Pacquiao is dating this Star Magic artist


Taong 2019 nang mapasama sa Star Circle si Arabella. Noong 2020 naman pumasok ng Star Circle si Jimuel kaya hindi raw siya ang nag-influence sa binata na pasukin ang pag-aartista.

“Hindi po kami nag-meet through Star Magic. He got to Star Magic already without us knowing each other yet. Late pa po kami nagkakilala,” rason ng dalaga.

Tanong ng PUSH kay Arabella, hindi ba mahirap maging boyfriend ang kagaya ni Jimuel na isang high-profile personality dahil sa pagiging anak ng iconic boxing superstar?

“Okey naman po kasi si Jimuel is very, very humble,” tugon ni Arabella. “He doesn’t think of that way talaga po, na high-profile siya kasi anak siya ng boxing champion.

“Wala akong masabi talaga, promise po. He does not think of it at all. Para lang siyang normal na individual. Of course, meron pong mga nagpapa-picture, and autograph, pero he doesn’t mind naman po and I don’t mind as well. It’s okey, I understand po, it’s not really a big deal, okey lang po, it’s not really hard naman po,” paliwanag pa niya.

READ: Star Magic introduces a mix of 16 fresh and familiar faces for Star Circle Batch 2019

Si Arabella ay veterinary student sa Dela Salle Araneta. Curiousity daw ang dahilan kung bakit siya nag-audition sa Star Magic.

“Ever since nung bata pa ako tinatanong ako if I wanted to become an artista, or if I wanted to do modeling or commercials, and my answers would always be no. I guess at a very young age that time I did not see myself in show business. I did not see myself to be on TV or wanted to be in the eyes of the public.

“But then as I aged I became very curious as to how showbiz works, how did it feel like especially that I have a passion for dancing, for singing, and I’ve always wanted  to try acting as well,” lahad niya.

Dumaan din daw siya sa public audition without expecting na makukuha siya.

“After the first audition I got a call back and I became a trainee. And after just three months I was launched and naging part ng 2019 Star Magic Circle,” sambit ulit niya.

“Currently what I’m doing is I’m very focused po with my studies. I am veterinarian student at De La Salle Araneta, so that’s what makes me busy at the moment, as well as meron po akong Kumu stream that I will be doing starting April na 3 to 4 times a week,” dagdag na kuwento pa ni Arabella.

Meanwhile, itinuturing ni Arabella na malaking accomplishment lalo na ngayong pandemic ang maging bagong mukha ng Orabella Philippines, isang  beauty brand known for its affordable and quality skincare line na available din sa direct selling.