Alkalde ng Parañaque City: Mark Anthony Fernandez ‘eligible’ umano makatanggap ng COVID-19 bakuna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alkalde ng Parañaque City: Mark Anthony Fernandez ‘eligible’ umano makatanggap ng COVID-19 bakuna

Alkalde ng Parañaque City: Mark Anthony Fernandez ‘eligible’ umano makatanggap ng COVID-19 bakuna

PUSH TEAM

Clipboard

Usap-usapan ngayon sa social media si Mark Anthony Fernandez kasunod ng pag-amin nito sa isang panayam na nakatanggap na siya ng bakuna kontra COVID-19 sa kabila ng hindi nito pagiging kabilang sa priority list ng gobyerno.

Ngunit paliwanag ng alkalde ng Parañaque City na si Edwin Olivarez, ang aktor ay may “comorbidities” na sapat na basehan para maging kabilang siya sa listahan ng “eligible” na makatanggap ng COVID-19 vaccine kasunod ng mga medical frontliners at senior citizens.

Sa panayam ng Parañaque City Mayor sa programang Rundown ng ABS-CBN News Channel (ANC), ipinaliwanag nito ang dahilan kung bakit binakunahan si Mark Anthony ng AstraZeneca vaccine gayong hindi sapat ang supply ng bakuna para sa frontliners sa bansa.

"Kinausap ko po 'yung ating city health office Dr. Olga Virtusio regarding the issue of Mark Anthony Fernandez and according to her 'yung tumingin sa kaniyang doktor, siya ay may comorbidities. At alam naman po nating nagkaroon ng depression si Mark, ibig sabihin niyan he's qualified as the next priority after frontliners,” ani Edwin.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mayor Olivarez, prayoridad nila ang mabigyan ng bakuna ang mga taong may cormobidities kasunod ng medical frontliners alinsunod sa priority list na nakabase sa Interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

Paliwanag pa ng alkalde, kailangang gamitin ang bakuna sa lalong madaling panahon kaysa masayang ito.

March 22 nang maturukan ng COVID-19 vaccine si Mark Anthony Fernandez.

Sa panayam ng PEP, sinabi ni Mark Anthony na wala siyang health condition at mas lalong wala siyang iniinom na mga maintenance na gamot.

“Bago ako tinurukan, nag-fill up ako ng form tungkol sa health condition ko. Tinanong ako kung meron akong medication o kumplikasyon,” ani Mark Anthony.

Dagdag pa niya: “Wala naman akong maintenance medicine. Ang pinaka-maintenance ko is multivitamins, vitamin C.”

Pagbabahagi pa ng aktor: "Palagi akong nag-eensayo kaya hindi mataas ang blood pressure ko o blood sugar. Malaking bagay iyon."

Sa ngayon hindi pa tapos ang gobyerno sa pagbabakuna sa mahigit 1.7 milyong medical frontliners.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.