TINGNAN: Coco Martin at Julia Montes, magkasamang lumipad papuntang Boracay? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Coco Martin at Julia Montes, magkasamang lumipad papuntang Boracay?

TINGNAN: Coco Martin at Julia Montes, magkasamang lumipad papuntang Boracay?

PUSH TEAM

Clipboard

After ng celebration ng kaniyang 26th Birthday, isang extra special birthday celebration pa ba ang gugulin ng aktres na si Julia Montes at kasama naman ang “Ang Probinsyano” lead star na si Coco Martin?

Sa uploaded Facebook post ng fan page na Coco Julia World, spotted ng ilang fans sa Ninoy Aquino International Airport ang dalawang pasahero na tiyak nila ay sina Coco at Julia nitong Linggo, March 21, at sinasabing patungo ang mga ito ng Boracay Island.

Sa caption ng fan page na Coco Julia World, ramdam ang matinding kilig ng mga netizens na sumusuporta sa dalawa, na nagsimula ang tandem nang magkapareha sila sa Kapamilya series na “Walang Hanggan” noong 2012.

“LOOK: Julia Montes and Coco Martin spotted going to BORACAY 💛✈️ Finally, visible na sila sa public! Sana tuloy-tuloy na! Get a man like Coco Martin, loyal kay Julia for 9 years! READ THAT? 9 YEARS!!!! ganyan sila, tahimik, private, pero sobrang inalagaan ang relasyon! super rare nyan sa showbiz AAAAA” caption ng fan page sa post.

ADVERTISEMENT

Ito marahil ang unang pagkakataon na na spotted sa publiko sina Coco at Julia, na ilang taon nang iniuugnay sa isa't isa kahit wala silang bagong proyekto nang magkasama.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Coco bilang si Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11 at TV5.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.