• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ star Coco Martin shares his thoughts on Kapamilya shows now becoming available on another streaming platform starting this month.

Coco Martin thankful that ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ is now available on WeTV and iFlix

‘FPJ’s Ang Probinsyano’ star Coco Martin shares his thoughts on Kapamilya shows now becoming available on another streaming platform starting this month.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/18/2021 09:00 AM
Coco Martin thankful that ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ is now available on WeTV and iFlix
Photo Credit: @dreamscapeph Instagram

With his action drama series FPJ’s Ang Probinsyano now on its sixth year, Coco Martin said that fans of the show will have even more reasons to stay tuned as their story has more exciting twists and turns.

“Hitik na hitik na kami sa kuwento kasi nagsisimula pa lang paghihiganti ni Cardo para kay Alyanna. Kung paano namin itutuwid yung maling sistema ng batas na pinaiikot nila Lily, yung kuwento nila lola Flora, nila mang Teddy. Napakaraming character na umiikot, napakarami pa niyang pupuntahan. Nandiyan pa sa amin si Jane de Leon, kuwento namin kay Richard Gutierrez, kaya yung hitik yung action, drama, love story, comedy, yung romance, lahat yan pupuntahan namin kaya kung pag-uusapan natin yung storya napakahaba pa ng lalakbayin ung kuwento namin,” Coco shared during the WeTV iflix x ABS-CBN Partnership Launch event held last March 17. 

https://www.instagram.com/p/CMhDjfyHXY0/


READ: Coco Martin resumes taping for ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

The Kapamilya actor and director shared how happy he was that his show will now become available on another popular streaming platform starting this month.

“Actually sobrang saya kasi halos dinadasal siguro yan ng lahat ng taga-ABS-CBN ngayon na dahan dahan at muli tayong makabangon na maipalabas ulit lahat ng pinaghihirapan nating mga teleserye at pelikula. Ang ABS-CBN kung ano man ang mangyari, may pandemya man o mawalan man tayo ng prangkisa, hindi huminto eh. Kumbaga patuloy pa rin tayong lumalabas kasi hindi lang para sa atin itong ginagawa natin eh. Dahil para sa lahat ng empleyado ng ABS-CBN ginagawa natin ito para sa pagseserbisyo natin sa lahat ng mga Pilipino,” he explained.

LOOK: Coco Martin expresses gratitude to friends, fans for defending him from online bashing

Aside from Ang Probinsyano, Coco shared the news that two new Kapamilya series will also become available for streaming site.

“Kaya nga ako looking forward ako na may bagong soap opera na naman na lalabas, ang Huwag Kang Mangamba tapos Init Sa Magdamag na alam ko na lahat pinaghihirapan, tinututukan, mas lalong pinagbubuti. Hindi tayo nagpapapigil kahit na may pandemya sa buong kapaligiran natin. Tuloy ang trabaho para mapaligaya natin ang lahat ng mga tao especially ang mga Pilipino na naghihirap at ito na lang ang nagiging kaligayahan nila sa gabi-gabi na makapagbigay sa kanila ng inspirasyon kaya laban lang, tulong tulong lang at hindi tayo susuko para sa lahat ng mga Pilipino,” he said.

During the WeTV iflix x ABS-CBN Partnership Launch, Coco also explained the advantage of watching his show through the app.

“Ako’y nagpapasalamat ng lubos sa WeTV at iFlix sa pagkakataong binigay niyo sa amin para patuloy pa po kaming makapag-serbisyo sa lahat ng mga Pilipino saan man pong sulok ng mundo. Maaari niyo na pong mapanuod ngayon ang FPJ’s Ang Probinsyano sa WeTV iFlix. Puwede niyo na siya mai-stream. Ang pinakabagong episode namin mapapanuod niyo 50 hours bago umere. Ang ibig sabihin ay mapapanuod niyo na ito in advance two days and two hours ang aming mga episode bago pa umere sa Kapamilya channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Kaya sa March 22 episode mapanuod niyo na ng March 20 sa WeTV iFlix at puwede niyo na rin balikan ang mga episodes namin for free two hours after namin ito palabasin sa TV kaya ano pang hinihintay natin mga Kapamilya, mag-subscribe na po,” he added.