• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa ng pageant fans ang Instagram post ni Gloria Diaz.

PANOORIN: Throwback photos ni Gloria Diaz, kinagiliwan sa social media

Ikinatuwa ng pageant fans ang Instagram post ni Gloria Diaz.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/03/2021 08:58 AM
PANOORIN: Throwback photos ni Gloria Diaz, kinagiliwan sa social media
Photo Credit: @gloria.diaz69 Instagram

Kinagiliwan ng netizens at mga pageant fans ang recent social media post ng unang Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz.

Sa isang 20 seconds Instagram video, ibinahagi ni Gloria ang ilan sa mga clippings ng kanyang mga pictures mula sa pageant life, karera sa showbiz hanggang sa kanyang personal na buhay.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69)

 

Ang Instagram post ni Gloria ay sinundan pa ng tatak Gloria Diaz witty na caption.

“Do not live in the past they say ️but it is nice to reminisce ️so no amount of plastic surgery will ever bring back youth so one should focus on true friends honest siblings, happy and kind kids And most impt. loving partner be that it may totally yours or shared   ”

Si Gloria Diaz ay gumawa ng kasaysayan sa mundo ng pageant scene matapos niyang kinoronahan noong 1969 kasabay ng unang pagtapak ng tao sa buwan.

Sa mundo ng showbiz, binansagan rin si Gloria bilang “pinakamagandang babae sa balat ng lupa” na isa sa dahilan para maging idolo ng karamihan ang unang Pilipinang Miss Universe.

READ: Dark side ng Beauty Pageants, ikinuwento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz

Ngayong 2021, 52 taon na simula ng koronahan si Gloria pero, hindi nagtapos sa loob ng isang taon ng kanyang reign bilang Miss Universe ang kanyang karera dahil magpahanggang ngayon, isang aktibong aktres si Gloria mapa-pelikula man o sa telebisyon.