• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naiwasan na hingan ng kaniyang saloobin sa indecent proposal isyu ang bida ng bagong iWant series na “Beauty Queens” na si Gloria Diaz.

Dark side ng Beauty Pageants, ikinuwento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz

Hindi naiwasan na hingan ng kaniyang saloobin sa indecent proposal isyu ang bida ng bagong iWant series na “Beauty Queens” na si Gloria Diaz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/16/2020 12:05 PM
Dark side ng Beauty Pageants, ikinuwento ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz

Kasunod ng expose ng resigned Binibining Pilipinas 2008 Janina San Miguel sa isang documentary na tumatalay sa umano’y maruming kalakaran ng beauty pageant, hindi naiwasan na hingan ng kanilang mga saloobin ang bida ng bagong iWant series na Beauty Queens.

READ: Janina San Miguel opens up about indecent practices she encountered during beauty pageant stint

Isa na dito si 1969 Miss Universe Gloria Diaz na hindi itinanggi na maraming DOM (dirty old men) at hindi na ikinagulat ang pasabog ni Janina San Miguel na “indecent proposal” at “one night stand” offers sa mga beauty queens.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

What “procedure” kaya could one do to look again like this? ❤️💕

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69) on

 

“Talagang maraming DOM (dirty old men) around,” tugon ng 1969 Miss Universe.

Patuloy niya pa: “In fact, I'd be surprised kung walang DOM or whatever. There’s always indecent proposals all over. Most of the beauty contestants almost expect it!,” sabi pa niya.

At bilang isang beauty queen, mas nakita na lamang daw niya ito na “compliment” at i-enjoy ang atensyon na binibigay sa kanya ng mga DOM sa paligid.

“When they're around, it's okay. It doesn't insult me. I don't feel pressured. I just enjoy the attention and I go on with it,” paliwanag ni Gloria.

Aniya: “It's not mind-boggling or anything. Hindi ka naman binabastos, e, at walang pilitan.”

Pagbibiro pa ng 1969 Miss Universe: “They all want to be on top of the universe!”

Si Gloria Diaz ang unang Filipina na nagsuot ng korona sa prestigious Miss Universe pageant.

RELATED NEWS: Where is Janina San Miguel now?