• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang tatalo sa ganda ng mga Pinoy drag queens para kay Manila Luzon.

Manila Luzon pinuri ang mga Pinoy drag queens

Walang tatalo sa ganda ng mga Pinoy drag queens para kay Manila Luzon.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/07/2021 04:04 PM
Manila Luzon pinuri ang mga Pinoy drag queens
Photo credit: @dragdenph Instagram

Para sa international drag queen na si Manila Luzon, wala nang mas gaganda pa sa mga Pinoy drag artists. 

Sa naganap na presscon para sa inaabangang Drag Den Philippines, sinabi ni Manila Luzon na walang tatalo sa mga drag queens sa bansa. “There is nothing like the beauty of these queens,” saad ni Manila. 


Ani pa niya: “Anywhere around the world you won’t find any queens more beautiful than the Filipino drag artists, so you guys have something to look at and aspire to because these queens are gorgeous.”

LOOK: Filipino drag queen wears ‘period’ theme gown

Unang nakilala si Manila Luzon sa RuPaul’s Drag Race kung saan tampok ang ilan sa mga kinikilalang mukha sa mundo ng drag queens. 

Naniniwala naman si Manila Luzon na hindi kailangang ikumpara ang Drag Den sa RuPaul’s Drag Race dahil isa umano itong show para sa mga Pinoy, ng mga Pinoy. 

"We are creating a show very unique to the Philippines, and we are showcasing what the Philippines really has to offer, what we have to originally offer,” aniya. 

Excited naman umano si Manila Luzon na mas makilala pa ng mga Pinoy ang talento ng mga drag queens sa bansa na aniya’y maaaring hindi napapansin umano ng karamihan sa mga Pilipino. 

"What I'm most excited about is for the Filipino audience to meet these talented local queens who have been here this whole time, and you might not have even known that they were here," sambit niya. 

Dagdag pa niya: “So I'm really excited for the exposure that these queens are going to get, and I'm really excited for the love and adoration that the audience at home will have for them."

Agosto nitong taon lamang nang magbukas ang auditions para sa inaabangan drag show.