OPM legend na si Heber Bartolome, pumanaw na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OPM legend na si Heber Bartolome, pumanaw na

Pao Apostol
Published Nov 17, 2021 05:52 PM PHT

Pumanaw na ang kilalang folk music icon na si Heber Bartolome sa edad na 74 nitong Lunes, ika-15 ng Nobyembre.

Kinumpirma ng kapatid ng yumaong mang-aawit sa ABS-CBN ang kanyang pagpanaw.

"Nawalan siya ng pulso kaya dinala sa Veterans (Memorial Medical Center)," saad ng kapatid nitong Jesse.

Pinuri din ng kapatid nito ang kanyang pagiging mahusay na pintor, pagiging matulungin, at pagiging haligi ng musikang Pilipino.

Kilala ang mga kanta ni Heber dahil sa mga mensahe nitong kinagigiliwan ng mga karaniwang Pilipino.

Isa marahil sa pinakakilala niyang kanta ang “Tayo’y Mga Pinoy.”

1970s nang unang sumikat si Heber kasama ang kanyang mga kapatid na sina Jesse at Levi kung saan binuo nila ang grupong Banyuhay.

Samantala, matatandaang lumabas sa programang Your Face Sounds Familiar ang yumaong mang-aawit noong taong 2015.

Nakasama ng komedyanteng si Eric Nicolas sa parehong stage ang OPM icon.

Dito, sinabi ni Heber na malaking bagay ang pagiging matunog ni Eric sa masa noong mga panahong iyon.

Ilan pa sa mga kantang sinulat ni Heber ang “Karaniwang Tao,” “Pasahero,” “Almusal,” at “Inutil sa Gising.”