• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang halos apat na taon, tapos na ba ang relasyon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz?

Janine Gutierrez at Rayver Cruz, hiwalay na?

Matapos ang halos apat na taon, tapos na ba ang relasyon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz?

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/16/2021 01:14 PM
Janine Gutierrez at Rayver Cruz, hiwalay na?
Photo credit to @janinegutierrez and @rayvercruz Instagram

Matapos ang halos apat na taon, naghiwalay na ba sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz?

Ito ang tanong ng marami matapos na magpakita ng suporta ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa aktor sa Instagram nitong Lunes, Nobyembre 15.

Sa kanyang post, tiniyak ni Rodjun na palagi siyang nariyan para suportahan si Rayver. Sinabi rin niya na proud siya sa kanyang kapatid.


"Kaya madaming nagmamahal sayo at sobra kang blessed dahil napakabuti mong tao," aniya. "Miss kita agad. Pagbalik ko hataw na ulit. All the way up tayo! I love you, King."

 

 

Samantala, maikli pero malaman naman ang naging mensahe ni Dianne para sa kanyang brother-in-law.

"I love you @rayvercruz, always and forever," aniya.

 

 

Bagamat hindi nabanggit si Janine sa kanilang post, maraming netizens ang naniniwalang may kinalaman ito sa relasyon ni Rayver sa aktres. 

"Hiwalay na po ba sila ni Ms. Janine?" tanong ng isang netizen.

"Wala na yata sila ng syota na nasa kabilang network," sabi naman ng isa pang netizen.

Bukod pa rito ay napansin din ng fans ang tila pagbura ni Rayver ng mga retrato nila ni Janine sa kanyang Instagram page. 

Nito lamang Oktubre ay nag-post pa ang aktor ng video ni Janine bilang kanyang pagbati sa ika-32 kaarawan nito. Ngunit burado na rin ngayon ang nasabing post mula sa kanyang page.

BASAHIN: Rayver Cruz wishes Janine Gutierrez a happy birthday

Gayunpaman ay fina-follow pa rin ni Rayver ang aktres. Gayun din si Janine, at makikita pa rin ang mga retrato nila ng aktor sa kanyang sariling Instagram account.

Taong 2017 nang simulang mag-date sina Janine at Rayver, na parehas dead 32.

Nito lamang Mayo, naging bukas si Janine tungkol sa relasyon nila ni Rayver nang mag-guest siya sa Magandang Buhay.

Sa programa, inilarawan ng aktres ang relasyon nila ng aktor bilang "masaya" at "madali lang".

"Masaya. Tsaka madali lang. Palaging sinasabi ng nanay ko na dapat ganun daw 'yung hanapin mo, 'yung parang madali lang. Tapos hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin nun? Kasi 'di ba 'pag mas bata ka akala mo 'yung mga drama, 'yung mga ganyan, ibig sabihin okay 'yang mga ganyan. Pero nung nakilala ko si Rayver, sabi ko, 'Ah, ito pala 'yung sinasabi ng mommy ko,'" ani Janine, na anak ng batikang aktres na si Lotlot de Leon.

Pag-amin din ni Janine, hindi siya naghahanap ng pag-ibig noong una niyang nakilala si Rayver.

"So alam mo 'yun, hindi ako nag-adjust. Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort magpaganda, mga ganyan. Pinakita ko sa kanya kung ano talaga ako nang buong buo, at ngayon masasabi ko na tanggap niya 'ko nang buong buo," aniya.

"Alam mo 'yung kayang kaya niya lahat ng araw ko kung isang araw malungkot ako or marami akong iniisip. 'Yung alam na alam niya kung paano ako kausapin. Tsaka ramdam ko na wala akong kailangang itago o baguhin tungkol sa sarili ko. Sobrang generous niya at mabait, lalo na sa pamilya," dagdag niya.

Sa ngayon ay wala pang confirmation mula sa magkasintahan kung totoong hiwalay na nga sila.