Sunshine Cruz, ginulat ang netizens sa kanyang new look

May bagong hairstyle ang aktres na si Sunshine Cruz.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/15/2021 11:56 AM
Sunshine Cruz, ginulat ang netizens sa kanyang new look
Photo credit to @sunshinecruz718 Instagram

Ginulat ni Sunshine Cruz ang mga netizens sa kanyang bagong look.

Sa Instagram noong Biyernes, Nobyembre 12, nag-post ang aktres ng ilang retrato kung saan ibinida nito ang kanyang bagong hairstyle.

Mula sa long hair ay nagpaiksi si Sunshine ng kanyang buhok. Nagpa-gupit din siya ng full bangs, na tila bumagay sa kanyang maliit na mukha.


"Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good," aniya sa kanyang caption.

Pinasalamatan din ng aktres ang hairstylist na si Marivic Peña para sa kanyang bagong look.

 

 

 

Ito ang unang beses na nagpagupit nang maiksi si Sunshine mula nang pumasok siya ng showbiz noong 1990s.

Marami namang tagahanga at kapwa artista ng aktres ang nagandahan sa kanyang bagong hairstyle.

"OMG, Ms. Shine!!! Super bagay!!!" sabi ni Sue Ramirez.

"Amen, very beautiful," sabi naman ni Melai Cantiveros.
"Wow!!! New look Shine... Love it," dagdag ni Almira Muhlach.

Tila aprub din kina Ruffa Gutierrez, Teresa Loyzaga, Jackie Forster, Donna Cruz, at Jen Sevilla ang new look ni Sunshine.

Ayon naman sa komento ng kanyang mga tagahanga, mas nagmukha umanong bata si Sunshine dahil sa kanyang hairstyle.

"5 years younger," sabi ng isang netizen.

"Fresh and young looking. Bagay sa 'yo Ms. Shine," ani naman ng isa pang fan.

Mayroon ding nagsabi na tila hawig ni Sunshine si Tokyo ng sikat na Netflix series na Money Heist at si Lisa ng Korean girl group na BLACKPINK.

"Wig lang ba yan Sunshine? Para kang si Tokyo ng Money Heist," komento ng isang netizen.

"Biglang tingin akala ko si Lisa ng [BLACKPINK]. Ang ganda for a change look bumagay sa inyo. Love it," sabi naman ng isa pang netizen.

BASAHIN: Sunshine Cruz posts sweet birthday tribute to boyfriend Macky Mathay

Bumida si Sunshine sa ABS-CBN daytime series na Bagong Umaga na nagtapos noong Abril.

Napanood din siya sa sa sikat na teleserye na Love Thy Woman noong nakaraang taon.