• Home
  • Fresh Scoops
  • Pasok na si Eian Rances bilang ika-walong celebrity housemate para sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

Eian Rances, pasok bilang ika-walong celebrity housemate ng ‘Pinoy Big Brother’

Pasok na si Eian Rances bilang ika-walong celebrity housemate para sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/08/2021 06:29 PM
Eian Rances, pasok bilang ika-walong celebrity housemate ng ‘Pinoy Big Brother’

Si Eian Rances ang ika-walong celebrity housemate na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Season 10.

Ang It’s Showtime host at dating Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu ang naghatid sa kanya ng magandang balita sa pamamagitan ng liham na pinadala sa kanya ni Kuya. 

Ngunit hindi naging madali ang pagpasok ni Eian dahil kinailangan niyang sumabak sa isang challenge kung saan kinailangan niyang ubusin ang sinigang na inihanda para sa kanya. 


Napasigaw naman si Eian nang sabihin sa kanya ni Kim na pasok na siya bilang isang celebrity housemate. 

WATCH: Former ‘PBB’ housemate Tan Roncal and Eian Rances in new film

Naging bahagi si Eian ng iba’t-ibang LGBT-themed movies gaya ng short film na Pa-Mine Pare.

Samantala, kilala din si Eian bilang isa sa mga top streamers ng streaming app na Kumu. 

Si Eian ay kapatid ng aktres na si Jenny Miller.