• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa nang ganap na PBB housemate ang aktres at singer na si Alexa Ilacad.

Alexa Ilacad, pasok bilang celebrity housemate ng 'Pinoy Big Brother'

Isa nang ganap na PBB housemate ang aktres at singer na si Alexa Ilacad.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/08/2021 07:11 PM
Alexa Ilacad, pasok bilang celebrity housemate ng 'Pinoy Big Brother'

Ang aktres at singer na si Alexa Ilacad ang ika-siyam na celebrity housemate na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Season 10.

Gaya ng unang dalawang housemates bago sa kanya, ang aktres at TV host na si Kim Chiu mismo ang naghatid kay Alexa ng magandang balita. 

Labis namang ikinatuwa ng “Smartista Unica Hija ng Pasig” ang balitang pasok na siya bilang housemate at sinabing excited na siya sa kanyang panibagong paglalakbay. 


READ: Alexa Ilacad to graduate from college with perfect 1.0 GWA

Unang nakilala si Alexa bilang bahagi ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Naging bahagi din siya ng iba’t-ibang serye ng Kapamilya network gaya ng The Good Son, The Killer Bride, at Init Sa Magdamag;

Ginampanan niya rin ang role ng dalagitang Bobbie Salazar sa prequel ng Four Sisters and a Wedding na Four Sisters Before the Wedding.

Kilala din si Alexa bilang isang mang-aawit na naglabas na ng maraming awitin. 

LOOK: Alexa Ilacad in rare bikini photo

Nitong taon lamang, natapos ni Alexa ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.