• Home
  • Fresh Scoops
  • Kumusta na kaya ngayon ang Big Winners ng nagdaan seasons ng Pinoy Big Brother?

Where are they now? Pinoy Big Brother Big Winners Part 2 | Pushpins

Kumusta na kaya ngayon ang Big Winners ng nagdaan seasons ng Pinoy Big Brother?

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2021 04:36 PM
Where are they now? Pinoy Big Brother Big Winners Part 2 | Pushpins
Photo credit: @james, @thatguyslater, @myrtlegail, @dandanmatsunaga, @hashtag_jimboymartinx, @real.miho_nishida, @maymay and @gucongyamyam Instagram

Marami na ang mga housemates na pinasikat ng reality show na Pinoy Big Brother. 

Ilan sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataon na makilala at mabigyan ng showbiz careers, tulad na lamang ng ibang Big Winners na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz. 

Samantala, may mga ibang Big Winners naman na mas pinili ang buhay away from the limelight. 


Sinu-sino sila? 

Let's find out. 

James Reid 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

 

Unang minahal ng mga fans si James Reid nang maging housemate ito ng Pinoy Big Brother Teen Clash 2010. 

Matapos itanghal na Big Winner ay bumida si James sa mga serye at pelikula gaya ng Diary ng Panget at On the Wings of Love kasama ang kanyang onscreen loveteam na si Nadine Lustre. 

Busy ngayon si James sa paggawa at pag-produce ng mga kanta under his own record label. 

Slater Young 

 

Nakilala si Slater Young nang manalo ito sa Pinoy Big Brother Unlimited edition noong 2012. 

Matapos ang kanyang PBB stint ay napanood si Slater sa mga Kapamilya shows gaya ng Gandang Gabi Vice at Magandang Buhay

Naka-focus ngayon si Slater sa kanyang buhay-pamilya kasama ang asawang si Kryz Uy at ang anak nito. 

 Myrtle Sarrosa 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail)

 

Nanalo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa. 

Bumida rin si Myrtle sa Kapamilya shows na Kahit Puso'y Masugatan at Ipaglaban Mo

Abala pa rin ngayon si Myrtle sa pagiging cosplayer at paggawa ng mga projects. 

Daniel Matsunaga 

 

Ang model na si Daniel Matsunaga ay mas nakilala ng publiko nang itanghal itong Big Winner ng Pinoy Big Brother All In edition noong 2014. 

Napanood din si Daniel sa mga teleseryeng gaya ng Halik at Be My Lady

Maliban sa kanyang mga TV guest appearances ay busy din ngayon si Daniel sa kanyang modeling career. 

Jimboy Martin 

 

Nagsimula ang showbiz career ni Jimboy Martin nang manalo ito sa teen edition ng Pinoy Big Brother 737 noong 2015. 

Matapos ito ay nakilala ng madling pipol si Jimboy bilang parte ng boy group na Hashtags sa It’s Showtime

Ngayon ay busy si Jimboy sa pag-vlog kasama ang kanyang girlfriend. 

Miho Nishida 

 

Unang napanood si Miho Nishida bilang housemate na kalaunan ay itinanghal ng Big Winner sa second batch ng PBB 737

Napanood din ang pag-arte ni Miho nang itampok sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story.  

Kasalukuyang nasa Japan ngayon si Miho kasama ang kanyang anak at nagta-trabaho bilang sales lady. 

Maymay Entrata 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

 

Bago magkaroon ng showbiz career ay naging PBB housemate muna ang Kapamilya star na si Maymay Entrata. 

Matapos itanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ay nabigyan ito ng mga TV and movie projects gaya ng La Luna Sangre at Loving in Tandem

Regular pa rin si Maymay sa Sunday variety show na ASAP Natin ‘To at ngayon ay pinaghahandaan ang kanyang MPowered concert sa November 2021.   

Yamyam Gucong 

 

Si Yamyam Gucong ay nakilala ng publiko nang itanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Otso

Nakilala si Yamyam sa kanyang pagpapatawa at kalaunan ay napasama sa sitcom na Home Sweetie Home.

Sa ngayon ay busy si Yamyam sa kanyang role sa series na Hoy, Love You

See more about them in this episode of Pushpins:

Anong masasabi ninyo sa ating mga Pinoy Big Brother Big Winners?