Richard Gomez, nangakong ibabalik ang ABS-CBN sakaling palarin sa Kongreso | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Richard Gomez, nangakong ibabalik ang ABS-CBN sakaling palarin sa Kongreso

Richard Gomez, nangakong ibabalik ang ABS-CBN sakaling palarin sa Kongreso

Pao Apostol

Clipboard

Nangako si Ormoc City Mayor Richard Gomez na ibabalik niya ang ABS-CBN sakaling manalo siya sa susunod na halalan.

Tatakbo si Richard bilang representante ng ika-apat na distrito ng Probinsya ng Leyte.

Kasalukuyang nakaupo sa nasabing posisyon ang kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez. Si Lucy naman ang papalit sa kanya bilang Ormoc City mayor sa susunod na halalan.

Sambit ni Richard sa panayam niya kay ABS-CBN News journalist Kat Domingo, walang Richard Gomez kung wala ang Kapamilya network.

ADVERTISEMENT

“I am not Richard Gomez now without ABS-CBN,” saad niya.

Tumanaw din ng utang na loob si Richard sa ABS-CBN sa halos dalawang dekada nitong paggawa ng proyekto sa ilalim ng network.

“I was a long-time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years,” ani pa niya.

Pag-amin naman ni Richard, alam niyang isa lamang siya sa mga taong magdedesisyon para dito.

Gayunpaman, naniniwala niya na dapat gawin kung ano ang mas maganda para sa mas nakararami.

“In Congress, kanya-kanyang utak ‘yan. As a representative, you represent yourself and your people. So you stand there not as an individual,” saad niya.

Dagdag pa niya: “You stand there for what is good for your people. Especially if it’s a national issue, you will always go for what is good for the whole nation.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.