• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ star Andrea Brillantes remains thankful for her projects with love team partner Seth Fedelin.

Andrea Brillantes on love team partner Seth Fedelin: ‘Mas nag-mature siya’

‘Huwag Kang Mangamba’ star Andrea Brillantes remains thankful for her projects with love team partner Seth Fedelin.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/20/2021 01:53 PM
Andrea Brillantes on love team partner Seth Fedelin: ‘Mas nag-mature siya’
Photo Credit: @blythe Instagram

With the ongoing popularity of her drama series Huwag Kang Mangamba, Andrea Brillantes said she is thankful for all the opportunities ABS-CBN has given her and her fellow Gold Squad members Francine Diaz, Kyle Echarri, and her love team partner Seth Fedelin.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay nila sa aming apat kasi pagkatapos ng Kadenang Ginto meron na talagang nakaplano for us. Pero dahil sa nangyari sa pandemic and dun sa franchise naintindihan ko na merong mga hindi magagawa ngayon kasi hindi safe ang panahon. Kaya nung tumawag sila para sabihin sa akin na ito yung show na gagawin namin, sobra akong nagulat kasi totoo talaga, hindi talaga pinapabayaan ng ABS-CBN ang mga artista nila kahit sa nangyari. Nangamba ako pero andun pa rin kasi ang paniniwala sa ABS-CBN na matibay tayo, hindi tayo magpapabagsak at babangon tayo stronger than ever,” she said.


The 18-year-old actress also shared their first lock-in experience as a group after the lockdown last year.

“Siyempre hindi kami sanay na hindi nakakasama ang isa’t isa kasi everyday kami halos may work so nakaka-video call ko siya nung early quarantine so nakikita ko na kung paano siya sa bahay. Nung lock-in wala naman ako napansin sa buong Gold Squad kasi ang tagal ko din silang nakasama sa Kadenang Ginto and may mga mall shows na iisa kami ng hotel. Marami kaming na-experience na magkakasama kami. Sa San Francisco kasama ko rin sila sa hotel nun, ang difference lang sa lock-in it’s between two to three weeks, yun lang siguro yung pagkakaiba. Pero ang tagal ko na kasing kakilala itong mga batang ‘to (laughs) wow parang ang tanda na,” she shared.

READ: Here’s why Andrea Brillantes should be your next IG style icon

With her love team SethDrea now on its second year, Andrea admitted she and Seth have become even closer on and off camera.

“Nasa point na nagkakainisan na kami sa isa’t isa (laughs). Ganun na kami ka-kumportable sa isa’t isa at nag-aasaran kami, magkatrabaho kami. Pero ngayon talaga iba na yung care namin sa isa’t isa.

“Nakikita ko na mas nag-mature siya sa una kong pagkakakilala ko sa kanya, mas nag-grow siya and mas naging gentleman siya. Maalaga siya. Kasi dati mapang-asar lang talaga siya. Pero ngayon mas malalim na siya bilang tao, yung mga words na ginagamit niya pag nag-a-advise siya sa akin at mas lumalim talaga. Kasi nag-mature talaga kami [mula] sa unang pagkikita namin na yung topic lang namin yung mata niya. Pero ngayon pati yung pinagdadaanan namin sa life na-she-share na namin sa isa’t isa. And thankful ako na nakilala ko siya. Ganun na kami ka-kumportable sa isa’t isa na napagsasabihan na namin ang isa’t isa kapag meron na siyang off na ginagawa, hindi na tino-tolerate. At saka ganun na talaga pag totoong kaibigan kayo, yung nag-iinisan na kayo (laughs). Ngayon mas concerned na kami sa isa’t isa,” she revealed.