• Home
  • Fresh Scoops
  • Umalma si Mikee Morada sa paratang ng talent manager na si Lolit Solis tungkol sa asawa nito na si Alex Gonzaga.

Mikee Morada, sinagot ang paratang ni Lolit Solis tungkol kay Alex Gonzaga

Umalma si Mikee Morada sa paratang ng talent manager na si Lolit Solis tungkol sa asawa nito na si Alex Gonzaga.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/11/2021 10:05 AM
Mikee Morada, sinagot ang paratang ni Lolit Solis tungkol kay Alex Gonzaga
Photo Credit: @cathygonzaga Instagram and GMA Entertainment

Umalma si Mikee Morada sa paratang ng talent manager at batikang manunulat sa showbiz na si Lolit Solis tungkol sa asawa nito na si Alex Gonzaga.

 

 

Sa Instagram noong Sabado, October 9, ibinahagi ni Lolit ang kanyang saloobin tungkol sa balita umano na na nakunan o nagkaroon ng "miscarriage" si Alex. 

Ayon sa talent manager, naawa at nalungkot siya sa balitang ito tungkol kay Alex. Sinabi rin niya na marami sa mga tagahanga ng aktres ang nag-aalala dito at nais malaman kung ano ang totoong nangyari.

"Pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o [ang kapatid nito na si] Toni Gonzaga hintayin," aniya.

BASAHIN: ‘Gusto ko na siya’: Alex Gonzaga now ready to become a mom

Dito na pinaratangan ni Lolit si Alex at ang pamilya nito na tila umano ginagawang "business" pati ang malungkot na balita tulad ng sinasabing miscarriage ng aktres.

"Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa," aniya. "Hindi naman siguro totoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex at Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?"

Gayunpaman, sa huli ay hiniling ng beteranang manunulat ang agarang pagbuti ng pakiramdam ng aktres.

"At be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen," aniya.

 

 

Tila hindi naman nagustuhan ni Mikee ang naging komento ni Lolit tungkol sa misis nito.

"Mam masakit at nakakadismaya naman," aniya. "Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

"Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo't hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat."

Mikee Morada, sinagot ang paratang ni Lolit Solis tungkol kay Alex Gonzaga

Matatandaan na simula noong ikinasal sila ni Mikee ay ilang beses nang napabalitang buntis si Alex.

Nito lamang Marso, naging laman ng balita ang aktres matapos niyang mag-tweet tungkol sa isang malaking biyaya na inakala ng marami ay may kinalaman sa pagbubuntis.

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Alex at sinabing ibang biyaya ang tinutukoy niya.

Nobyembre 2020 nang magpakasal sina Alex at Mikee, matapos ang apat na taon bilang magkasintahan. 

Sa nakaraang vlog kasama ang kanyang mister, ibinahagi ng aktres ang kanyang hiling na magkaroon ng dalawang anak sa hinaharap.

"In five years, we'll probably have two kids. Isang toddler tsaka isang baby. Tapos nakatira na kami doon sa pinagagawa naming bahay na tinulungan kami ng parents namin pareho," aniya.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Alex tungkol sa balitang nabuntis at nakunan ito.