Mga artista at personalidad, nanawagan ng hustisya para kay Christine Dacera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga artista at personalidad, nanawagan ng hustisya para kay Christine Dacera

Mga artista at personalidad, nanawagan ng hustisya para kay Christine Dacera

PUSH TEAM

Clipboard

Nanawagan ng hustisya ang iba’t-ibang artista at personalidad gaya nina Bianca Gonzalez, Jennylyn Mercado, at Frankie Pangilinan para sa namatay na flight attendant na si Christine Dacera.

Ani Bianca sa isang tweet: “Rape happens because of rapists, not because anyone ‘asked for it.’”

Ginamit din ni Bianca ang hashtag na #JusticeForChristineDacera sa nasabing tweet.

Samantala, kinondena naman ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie ang tila maling paniniwala na kailangan ng proteksyon ng mga kababaihan imbes na sana ay nirespeto nito.

ADVERTISEMENT

“the hashtag rly shouldn’t be ‘protect drunk girls’ man, it should be respect tf out of any human being because drunk girls shouldn’t be needing any more protection than drunk guys. that’s exactly what’s wrong here, though — a few drinks and we’re suddenly no longer people ig,” saad ni Frankie.

Dagdag pa niya: “Like it’s fked up, I get it — girls have so much more to fear in intoxication. but it’s so damn sad that we have to be ‘protected’, because that implies this kind of danger is inevitable, when it’s not. teach your fkin kids not to rape people, let us deal with the hangovers.”

Ani pa ni Frankie na hindi kailangan ni Christine ng proteksyon. Bagkos, babae ito na dapat sana ay trinato bilang tao.

“Christine Dacera shouldn’t have needed protection. enough of that dialogue. she was a woman who deserved basic, human decency,” ani Frankie.

Sinabi naman ni Jennylyn Mercado na naniniwala siya mananaig ang katotohanan.

“Have a safe flight to heaven Christine. We will make sure that you get the justice you deserve. The whole truth will come out. #JusticeForChristineDacera” ani Jennylyn.

Samantala, sinabi naman ng vlogger na si Benedict Cua na hindi dapat palampasin ang nangyari kay Christine dahil maaari itong mangyari sa sino mang kababaihan.

“This could have been your sister, your daughter, your mom, or anyone you treasure dearly. don’t let this slide! drunk or not, drugged or not, nobody deserves to be mistreated & violated. #protectallgirls #JusticeForChristineDacera,” saad ni Benedict.

Natagpuang walang malay si Christine sa bathtub ng isang hotel sa Makati City kung saan sinalubong nito ang bagong taon kasama ang ilan sa malalapit niyang kaibigan.

Dinala pa ang 23 anyos na flight attendant sa Makati Medical Center ngunit dineklara din itong dead-on-arrival.

Sa ngayon, wala pang konkretong impormasyon sa pagkamatay ni Christine ngunit ayon sa mga lumabas na autopsy reports, may indiskayon ng sexual abuse ang biktima.

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, ipinakita ng ina ni Christine ang larawan ng kung saan makikita ang mga sugat at pasa sa katawan ni Christine.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.