• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa mga litratong ibinahagi ni Ruffa Gutierrez, makikita ang pagiging malapit nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isa’t-isa.

Angelica and John Lloyd left the group chat? Bakit nga ba pinag-uusapan ang mga litrato nina Ellen Adarna at Derek Ramsay?

Sa mga litratong ibinahagi ni Ruffa Gutierrez, makikita ang pagiging malapit nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isa’t-isa.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/13/2021 12:38 PM
Angelica and John Lloyd left the group chat? Bakit nga ba pinag-uusapan ang mga litrato nina Ellen Adarna at Derek Ramsay?
Photo Credit: @johnlloydcruztm, @iloveruffag and @iamangelicap Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato kung saan makikita ang pagiging malapit ng mga artistang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isa’t-isa.

Bagama’t ordinaryo lang ang mga litrato nila sa unang tingin, kapansin-pansin ang pagkakaugnay ng dalawa kina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Dahil dito, hindi napigilan ng ilang netizens na paulit-ulit na banggitin ang mga pangalan ng dalawang artista na dating naka-relasyon nina Derek at Ellen.

 


 

Matatandaang parehas na ex-boyfriend ni Angelica sina Derek at John Lloyd samantalang ex-partner ni John Lloyd sina Ellen at Angelica. 

Samantala, si Ruffa Gutierrez naman ang nagbahagi ng litrato na ex-girlfriend din ni John Lloyd Cruz. 

 

 

Ngunit paano nga ba nagkaroon koneksyon ang mga artistang nabanggit sa isa’t-isa? 

2006 nang magsimulang mag-date sina Angelica at Derek na isa marahil sa pinag-usapan sa mundo ng showbiz lalo na nang maghiwalay ang dalawa matapos ang anim na taon. 

READ: Derek Ramsay defends Angelica Panganiban against detractors

Naging magkasintahan naman sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez noong taong 2009 matapos unang nagkatrabaho sa local remake ng seryeng I Love Betty La Fea. Ngunit matapos lamang ang isang taon, naghiwalay ang dalawa. Gayunpaman, nanatili namang “civil” ang dalawa sa isat’t-isa.  

READ: John Lloyd Cruz as jowa or tropa? Ruffa Gutierrez answers

Taong 2012, kinumpirma nI John Lloyd ang relasyon nila ni Angelica Panganiban — ilang buwan lamang matapos maghiwalay ang aktres at ang ex-boyfriend nitong si Derek Ramsay. Ngunit matapos lamang ang apat na taon, naghiwalay din ang dalawa. 

READ: Was Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz’s house in this photo?

2017 naman ng mapabalita ang umano’y namamagitan kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na nagkatrabaho sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home. Makalipas ang isang taon, iniluwal ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd na si Elias Modesto. 

READ: Ellen Adarna on co-parenting with John Lloyd Cruz: ‘I see how happy my son is when he is around’

2019 nang kumalat ang mga bali-balita na naghiwalay na umano sina Ellen at John Lloyd. Kinumpirma naman ito ng aktres nitong taon at sinabing parehas nilang ginamgampanan ang tungkulin nila bilang mga magulang sa anak nilang si Elias. 

READ: Ellen Adarna: ‘John Lloyd left the group chat’

Tingnan ang mga ibinahaging litrato ni Ruffa Gutierrez sa ibaba: 

 

 

Sa iba pang videos na ibinahagi ni Ruffa, makikita ang pagiging kumportable nina Derek at Ellen sa isa’t-isa.

 

 

Ayon kay Ruffa, kuha ang mga nasabing video at larawan mula sa party ni Derek na kapitbahay niya.