• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy-tuloy ang negosyo ng dating sexy aktor na si Leandro Baldemor na pag-uukit ng religious images sa Paete, Laguna.

SILIPIN : Buhay iskultor ni Leandro Baldemor

Tuloy-tuloy ang negosyo ng dating sexy aktor na si Leandro Baldemor na pag-uukit ng religious images sa Paete, Laguna.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/13/2020 11:48 AM
SILIPIN : Buhay iskultor ni Leandro Baldemor

Ito na ngayon ang aktor na si Leandro Baldemor, isang magaling na mang uukit ng religious images sa kanilang bayan sa Paete, Laguna. 

Kita sa mga larawan si Leandro sa isang religious event kung saan binigyang pagpapahalaga ang isang imahen ng Mahal na Birheng Maria, na isa lamang sa kanyang obra.

 


1996 nang magsimula ang career ni Leandro sa showbiz bilang sexy actor. Ang naka-discover sa kanya habang internship niya bilang nurse sa isang clinic na si Bobby Yalung ang nagbinyag sa kanya ng pangalan na “Leandro”. 

Unang isinabak si Leandro sa sexy film na “Patikim ng Pinya” kung saan  nakatambal nya agad ang sikat na si Rosanna Roces at nasundan pa ng hit sexy movies gaya ng “Sariwa”, “Tukso Layuan Mo Ako”, “Pisil” at marami pang iba.

Sinubukan din ni Leandro ang maging entertainer sa Japan ng mag-iba na ang trend ng Tagalog movies at pinasok din ang mundo ng pulitika bilang Board Member ng 4th District of Laguna.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

San Santiago Apostle 2ft

A post shared by Leandro Z Baldemor (@leandrobaldemor) on

Gumaganap pa rin paminsan-minsan ang aktor sa ilang palabas sa TV tulad ng "Encantadia", "Imortal" at "Maalaala Mo Kaya."

Sa interview sa kanya ng ABS-CBN News, ikinwento ng aktor na nagsimula siya sa paggawa ng furniture pero unti-unti siyang napokus sa pag-ukit ng religious images. 

“Doon ako nag-focus sa images. Made to order po kami. Kung ano gusto ng customer, ‘yun ang gagawin namin. Dasal ang naging susi ko sa hanapbuhay noong nag-umpisa ako 12 years ago. Pinanganak na akong negosyante," lahad niya.

 

Ngayong 45 years old na siya, masaya si Leandro na naibabahagi ang kanyang artistic talent bilang isang escultor.