• Home
  • Fresh Scoops
  • Engaged na si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Melissa Ricks, engaged na

Engaged na si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/30/2020 09:08 AM
Melissa Ricks, engaged na

Sa Instagram account ni Ara Mina namin unang nakita ang engagement picture nina Melissa Ricks at ng non-showbiz boyfriend niyang si Michael Macatangay.

Si Michael ang ikinukuwento noon sa amin ni Melissa na bago niyang karelasyon, na nakita naming kasama rin niya sa opening ng Hazelberry Café ni Ara sa Molito Complex, Alabang branch noong March 8, 2020.

Sa post ni Ara ay humingi siya ng paumanhin na hindi nakadalo sa engagement announcement nina Melissa at ng kanyang soon-to-be husband na posibleng naganap nitong August 29.


Congratulations @mellyricks09 and Michael on your engagement! Sensya na at di ako nakapunta at nawitness ito. But so happy for both of you. God is good talaga! May God bless you guys!” post ni Ara sa IG hatinggabi ng August 29.

Nang bisitahin namin ang Instagram account ni Melissa ay wala pang naka-post na pictures or detalye nang naganap na engagement. Hinihintay pa rin namin mula mismo kay Melissa kung kailan ang kanilang wedding date.

Samantala, si Charles Togezaki, isa ring non-showbiz guy ang huling nakarelasyon ni Melissa. Nagkaroon siya ng isang anak dito – si Kiera. Taong 2016 nang maghiwalay ang dalawa.

Huling napanood si Melissa sa comeback series ni Julia Montes sa ABS-CBN na 24/7.