• Home
  • Fresh Scoops
  • Boyfriend na ni Elha Nympha ang kapwa singer na si Brian Gazmen.

Elha Nympha, may boyfriend na

Boyfriend na ni Elha Nympha ang kapwa singer na si Brian Gazmen.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2020 03:09 PM
Elha Nympha, may boyfriend na
Photo credit: @elhamaenymphaofficial and @brian_gazmen IG

Sana all!

Nitong Lunes, Agosto 17, ibinahagi ng Kapamilya singer na si Brian Gazmen na sila na ng dating The Voice Kids Grand Champion na si Elha Nympha. 

Sa isang Instagram post, ibinida ni Brian ang selfie ni Elha na may kasama pang ibang litrato na tila kuha mula sa mga video calls nila ni Elha habang naka-quarantine.


WATCH: Elha Nympha planong tahakin ang international career

Ayon kay Brian, masaya siya na dumating sa buhay niya si Elha. At simula nang maging sila, mas naging mabuting tao siya. 

Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person,” ani Brian. 

Bagama’t hindi sila nakakapagkita ng personal dahil sa quarantine, masaya naman si Brian na kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan makausap lamang si Elha sa kanyang cellphone. 

Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, okay lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile,” saad ni Brian. 

Sinabi naman ni Brian na handa siyang suportahan ang kanyang “baby” na si Elha kahit na ano ang mangyari. 

You are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby. I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile,” sabi pa ni Brian sa kanyang post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. ♥️ I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person. Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, ok Lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile. you are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby ♥️♥️♥️ I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile ☺️

A post shared by Brian Gazmen (@brian_gazmen) on

Samantala, nag-post naman si Elha na suot-suot ang t-shirt ni Brian at sinabi nitong:  used my man’s shirt UGGHHH.”

Reply naman ni Brian kay Elha: “Awwwwww I love you so much baby. You are the best.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I used my man’s shirt UGGHHH - - - - - - - -Surprise @brian_gazmen 🥰

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial) on

Matatandaang kamakailan lang ay nag-trending si Elha dahil sa laki ng pinayat niya gawa ng kanyang “super diet.” 

READ: Elha Nympha shows off result of ‘super diet workout’

Si Elha ay tinanghal na Grand Winner ng The Voice Kids noong taong 2015. Simula noon, sumikat na si Elha hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa. Lumabas siya sa iba’t-ibang edisyon ng Little Big Shots sa ibang bansa. Taong 2019 nang maging parte siya ng grupong J.E.Z. kasama sina Janine Berdin at Zephanie Dimaranan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sry....Taken! 🤷🏻‍♀️ . . . . . . . .Second pic is D BeSt

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hers.

A post shared by Brian Gazmen (@brian_gazmen) on

Samantala, si Brian naman ay isang singer na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN record label na Star Music taong 2018. Naging bahagi din siya sa iba’t-ibang pelikula gaya ng Petmalu at Wander Bra.