• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon ay magkakatrabaho sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, magsasama-sama sa isang pelikula

Sa unang pagkakataon ay magkakatrabaho sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/21/2020 01:41 AM
Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, magsasama-sama sa isang pelikula
Photo Credit to Darryl Yap Facebook

May bagong pelikulang tinatapos si Direk Darryl Yap sa Viva Films. Ang title nito ay Pornstar at magiging launching movie ito ng isang baguhang sexy star ng Viva.

Nasa cast din ng Pornstar sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Sa Subic nagsyuting ang cast ng Pornstar kung saan lahat sila ay naka-lock-in ng halos dalawang linggo.

“Pagtapos ng #JOWABLE, sa paparating na #TILILING at ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM buong pagmamalaking ibinabahagi ng VIVA Films at VinCentiments, ang aking ika-apat na pelikula,” announcement ng kontrobersyal na director sa kanyang Facebook account.


Ayon pa kay Direk Darryl ang kanyang bagong pelikula ay tinapos niya sa kalagitnaan ng pandemya.

“Ito ay isang katangi-tanging likhang isinulat, binuo at tinapos sa kalagitnaan ng pandemya. Kasama dito sina Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces at Alma Moreno na gaganap bilang kanilang mga sarili.

“Ating tunghayan kung paano hinuhubog ang isang pornstar, mula sa kamay, utak at puso ng mga naging batikan at pinakakontrobersyal na sexy stars ng kani-kanilang panahon—ang pantasya ng mga pinapantasya, ang pangarap ng mga pinapangarap.

“Ikaw? Paglaki mo, anong gusto mong maging? Paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR! Malapit Na!” lahad pa ng director sa Facebook.