• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na rin ni Jeremiah Lisbo na salagin ang hate comments mula sa fans ng tambalan nina Kaori Oinuma at Rhys Miguel.

Jeremiah Lisbo, handa ng agawin si Kaori Oinuma kay Rhys Miguel?

Handa na rin ni Jeremiah Lisbo na salagin ang hate comments mula sa fans ng tambalan nina Kaori Oinuma at Rhys Miguel.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/12/2020 11:14 AM
Jeremiah Lisbo, handa ng agawin si Kaori Oinuma kay Rhys Miguel?
Photo Credit: @jeremiahlisbo Instagram

All set na ang bagong Star Magic Artist na si Jeremiah Lisbo para sa isa sa kaniyang unang proyekto sa Star Cinema.

Isa si Jeremiah sa mga abangan sa bagong digital project ng Star Cinema na The Four Bad Boys and Me kasama ang tambalan nina Kaori Oinuma at Rhys Miguel.

 


 

Kuwento ng bagong aktor, todo paghahanda siya para sa role na gagampanan kung saan sasabak agad siya bilang ka-love triangle sa tambalan ng KaoRhys.

“Ang challenge sa akin dito na, naisip ko na ‘yung mga viewers, malilito sila kung sino ba talaga ang dapat piliin ni Candice (Kaori) si Marky ba si Jaydon pero alam naman na natin kung sino pipiliin (laughs),” kuwento ni Jeremiah sa virtual press conference ng bagong digital series.

 

 

Dahil baguhan sa pag-arte double effort rin si Jeremiah sa kaniyang paghahanda para sa proyekto.

“Nung una, nung nalaman ko ‘yung characteristic ni Marky sobrang opposite. Kasi mas nakaka relate ako in real life na ka ugali ko is si Jaydon talaga, pero ‘yun nga nung nakita ko sabi ko sa sarili ko challenging so kailangan ko talaga basahin ang buong script every detail of it,” ani baguhang aktor.

“Nakatulong sina Ms. Anne, sina Direk, kung paano namin mas makikilala ang mga characters namin.”

At kahit third party agad sa isang love team, handa na din siya makatanggap ng pambabash mula sa fans ng KaoRhys.

 

 

“Kahit i-bash nila ako, para sa akin positive feedback yun meaning I’m doing good with my character, and I’m really excited about it,” sabi pa niya.

“I hope na mapasaya namin sila ngayong pandemic, I hope magbigay kami ng kasiyahan kahit papano,” pahayag ni Jerimaiah.

Mapapanood ang The Four Bad Boys and Me sa darating na August 27 sa YouTube channel at Facebook page ng Star Cinema at mapapakinggan rin soon sa Spotify sa direksyon ni Joel Ferrer.