• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-gaslight o na-manipula umano si Bea ng kaniyang huling naging ex-boyfriend at ipinaramdam sa kanya na isa siyang basura.

‘I was gaslighted’: Bea Alonzo, inaming hindi lang na-ghost ng huling ex-boyfriend

Na-gaslight o na-manipula umano si Bea ng kaniyang huling naging ex-boyfriend at ipinaramdam sa kanya na isa siyang basura.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/11/2020 02:37 PM
‘I was gaslighted’: Bea Alonzo, inaming hindi lang na-ghost ng huling ex-boyfriend
Photo Credit: @beaalonzo Instagram

Binuksan ni Bea Alonzo ang kanyang sarili sa unang pagkakataon upang pag-usapan ang hiwalayang yumanig sa mundo ng showbiz mahigit isang taon na ang nakalilipas.  

 

 

Sa panayam ni Bea kay G3 San Diego, binalikan ng Kapamilya star kung paano niya nalaman, isang taon na simula nang mangyari ang pag-‘ghost’ sa kanya ng ex-boyfriend. 

“Nagulat din ako. Actually alam mo ‘yung nagpaalala sa akin G3, na-ghost kasi ako nu’ng first day nung scriptwriting workshop ko with Ricky Lee,” ani Bea. 

Pagpapatuloy pa niya: “Naaalala ko kasi ‘yun buong araw parang 10am ‘yung class tapos pumunta ako du’n tapos siyempre may mga nangyari before that. Pumunta ako na akala ko may kikitain pa ako after tapos wala na pala.”

Dagdag pa ni Bea: “So nag-celebrate kami ng first anniversary nu’ng batch namin and then I remembered — naalala ko ‘yung damit na ‘to, ‘yung mukhang ‘yan. Grabe. So sabi ko one year na. Parang gusto kong mag-Happy Halloween sa mga tao.” 

READ: Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto

Agad namang ipinaliwanag ni Bea kung bakit hindi na siya nag-aalangang gamiting ang salitang “ghosting” at kung bakit mas bukas na siyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanya. 

“Ibig sabihin moved on na ako kaya nasasabi ko na nang ganun-ganun lang,” ani Bea. 

Nang ungkatin ni G3 ang mga memes na kumalat kung saan kinukumpara ng mga netizens ang mga sarili nila sa aktres na iniwan pa rin kahit na biniyayaan ng ganda, agad itong sinagot ni Bea nang: “Wala sa ganda ‘yan.” 

READ: Celebrities console Bea Alonzo amid controversy

Hindi rin maiwasang itanong kay Bea kung alin at kailan ang pinakamasakit na breakup sa tanang buhay niya. 

Pag-amin ng Kapamilya star, labis siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ng huling ex-boyfriend niya dahil bigla na lamang nitong iniwan siya nang walang dahilan. 

“Siguro the last one that happened to me — without any reason why. I don’t even know what I did. I feel like it was unfair because kung may mali ako, sana maitama ko. ‘Yung parang feeling ko it’s just having no respect for the relationship siguro ‘yun ‘yung pinakamasakit,” ani Bea. 

Bagama’t hindi na idinetalye pa, inamin ni Bea na hindi ang breakup kundi ang mga naging kaganapan bago mangyari ang hiwalayan ang pinakamasakit para sa kanya. 

“I think it’s not just the ghosting part that’s painful. I think it’s the chapter leading to that,” pagbabahagi ni Bea. 

Ayaw na umanong magsalita ni Bea tungkol sa isyu ngunit naisip niya na baka sakaling makatulong ito sa may mga pinagdadaanan katulad niya. 

Ayon kay Bea, na-gaslight o na manipula siya ng kanyang ex-boyfriend at pinaramdam na tila para siyang basura. 

“I don’t want to get in trouble pero baka makatulong din sa mga nanonood. But have you ever heard of the term gaslighting? Hindi lang ako ghinost. I was gaslighted. I felt like garbage. I felt like I was worthless. So I guess ‘yun ‘yung resentment ko — more than just the ghosting part,” ani Bea. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Looking back at our dressing room photoshoots ❤️

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Sa ngayon ay pinag-iigihan ni Bea na matutunang patawarin ang kanyang sarili dahil sa desisyon nito kung saan hinayaan lang niya na saktan siya ng ibang tao. 

“Actually ‘yung forgiveness nga it was maybe I am working on being able to forgive myself rather than allowing somebody to treat me that way," aniya  

Dagdag pa ng Kapamilya star: “I felt like hindi ko rin pinrotekhan ‘yung sarili ko as a woman. Parang I am finding it hard to forgive myself for allowing myself to go through that.”