Direk Darryl Yap siniguradong mas daring ang Pinoy BL series na ‘Sakristan’ kumpara sa ‘2Gether’ ng Thailand | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Direk Darryl Yap siniguradong mas daring ang Pinoy BL series na ‘Sakristan’ kumpara sa ‘2Gether’ ng Thailand

Direk Darryl Yap siniguradong mas daring ang Pinoy BL series na ‘Sakristan’ kumpara sa ‘2Gether’ ng Thailand

Leo Bukas

Clipboard

Nag-trending sa Twitter ang paglabas ng trailer ng Philippines Boys Love (BL) series na Sakristan nitong May 17, 12 midnight. Ang Sakristan ay idinirek ni Darryl Yap ng box-office hit film na Jowable na prinodyus ng Viva Films.

Bida sa Pinoy BL series sina Henry Villanueva sa role Christian at si Clifford Pussing bilang Zach.

“Si Henry po ay Vincentiments artist ko talaga, he has around 100M views in totality. He is also a college student and a theater actor.

“Si Clifford naman ay na-cast dahil naghahanap talaga ako ng tri-athlete. Medalist siya ng ilang triathlon competitions sa bansa. Galing siya ng Ogie Diaz workshop at taga-Olongapo rin siya,” deskripsyon ni Direk Darryl sa dalawa niyang cast members nang makatsikahan namin siya sa FB messenger.

ADVERTISEMENT

Dahil sa pagyakap ng Pinoy audience sa hit na Thai BL series na 2Gether na pinagbibidahan nina Metawin Opas-iamkajorn (Win) and Vachirawit Chiva-aree (Bright) kaya na-inspire ang maraming filmmakers na gumawa ng pelikula na may katulad na konsepto.

Bukod sa Sakristan, marami pang mga ganitong klaseng palabas ang mapapanood sa internet sa mga susunod na linggo.

Magiging mas daring ba ang Sakristan kumpara sa 2Gether na wala man lang kissing scene sa finale episode nito?

“Mas matapang po, given the story and our country’s culture. About kissing, there will be a kiss and a whole lot more,” sagot ni Direk Darryl sa tanong namin.

Dagdag pa niya, “Habang patuloy na niyayakap ng mundo ang iba’t ibang anyo ng pagmamahal, paparating na ang isang pambihirang kwento na yayanig sa nag-iisang Kristyanong bansa sa Asya.

“Sama-sama na nating mararanasan ang pinakaaabangang online series na tatalakay sa kahalagahan ng sakripisyo, paninindigan, pananampalataya at sa hindi matatawarang kapangyarihan ng pag-ibig.”

Pinasalamatan din niya ang BL Pinoy fans na nag-aabang sa kanyang series.

“Salamat po sa nag-uumapaw na suporta mula sa BL Filipino fans. Konting tiis pa po, nag-iingat lang din po kami at may mga batas na posibleng malabag kung ipipilit po namin.

“In-adjust ko rin po ang script para hindi kinakailangang maraming tao, pero hindi maisasakripisyo ang kalidad ng kwento o takbo ng istorya,” lahad pa niya.

Sa Olongapo kinunan ang Sakristan at habang nagsusyuting ay sinigurado ni Direk Darryl na sinusunod nila ang mga shooting protocols.

“Olongapo po is in GCQ na. And I am shooting with their parents. Our productions is like 4 people plus actors, so sa trailer, 4 to 5 people lang kami. We are very mindful with the acceptable shooting protocol,” kuwento pa niya sa amin.

Mapapanood ang episode 1 ng Sakristan sa Vincentiments YouTube Channel na may 3.5 million followers at 480M total FB views sa May 31 at 12 midnight.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.