• Home
  • Fresh Scoops
  • Vance Larena calls releasing his Star Music debut single a life-changing opportunity.

EXCLUSIVE: Vance Larena releases first single ‘Tama’ under Star Music; says it’s a dream come true

Vance Larena calls releasing his Star Music debut single a life-changing opportunity.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/25/2020 11:44 AM
EXCLUSIVE: Vance Larena releases first single ‘Tama’ under Star Music; says it’s a dream come true
Photo credit: @vancelarena IG

Thank you! Thank you! Thank you! ‘TAMA’ is out now!

Ito ang masayang pahayag ng aktor na si Vance Larena na bukod sa pag-arte ay isa rin palang mahusay na singer.

TAMA” ang title ng first single ni Vance mula sa Star Pop PH label ng Star Music na available na ngayon sa Spotify at sa iba pang digital platforms.


“Munting ambag ko po ito sa gitna pinagdadaanan natin ngayon. Hope you’d love it,” sambit pa niya.

Pagmamalaki pa ni Vance, “My first ever single is finally here! Pangarap lang ito noon, nandito na ngayon!

I dedicate this song to my family, friends, and all my fans who’s been very supportive and loving. Feel free to share and listen to it over and over again.

Ayon kay Vance, isang life-changing opportunity ang makapag-record ng kanyang kauna-unahang original song sa Star Music. Dream come true din daw ito para sa kanya.

“Opo, pangarap ko po ito. Katulad po kasi ng ibang form ng art, ang musika at kanta ay naging malaking bahagi ng buhay ko. Dahil nga po ang musika at kanta po kasi ay naging malaking bahagi ng buhay ko. Ngayon po ang kanta mo naman ay maaaring maging parte ng buhay ng iba.

“Ini-imagine ko pa rin po, ano kaya ang pakiramdam ng may kanta ka sa karaoke tapos may mga taong kakantahin ang awit mo?” padalang mensahe sa amin ni Vance sa Messenger.

Ang singer-composer naman na si Ogie Alcasid itinuturing ni Vance na kanyang musical influence.

Aniya, “Si Sir Ogie Alcasid po ang number one influence ko po sa music. Lumaki po kasi akong nakikinig at kinakanta ang mga kanta nya.”