John Arcilla, na-pressure nga bang gumanap bilang Fr. Fernando Suarez? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
John Arcilla, na-pressure nga bang gumanap bilang Fr. Fernando Suarez?

Leo Bukas
Published Mar 22, 2020 05:51 PM PHT

Inamin ni Direk Joven Tan na marami nang pinanggalingang producers at director ang biofilm ni Father Fernando Suarez at nagtataka siya kung bakit sa kanya ito ipinagkatiwala ng sikat na healing priest.

Kuwento ng director, “Wala siya sa line-up ko. Tsaka marami na itong pinanggalingan na director. Seventeen producers na, yung iba nag-shoot na. Hindi ko rin alam kung paano napunta sa akin itong project.

“Sinabi talaga ni Father, ‘Ang dami na nitong pinagdadanan. Ang dami nang kumausap sa akin, ang dami ko nang nakausap. Hindi ko alam bakit sa inyo ako pumayag.’”

May paliwanag din siya kung bakit kay John Arcilla napunta ang role ni Fr. Suarez.

ADVERTISEMENT
“Sabi ni Father, ‘Gusto ko si ganyan,’ sina-suggest niya si John. Sabi ko, ‘Ita-try po namin kasi busy po yan sa Ang Probinsyano.’ Nagkaroon ng schedule si John para sa amin, so parang pinagagaan lahat, nagawan ng paraan kahit segue-segue si John.”

Nang tanungin ng PUSH si John kung may pressure ba sa part niya na gumanap ng isang true-to-life character after niyang gawin ang Heneral Luna, aniya, wala naman daw.

“Hindi ako na-pressure ever, kasi ang naisip ko lang naman… well may sinasabi sila sa akin na parang, ‘Uy kahawig mo nga si Father,’ subjectively puwede kasing makita talaga yon ng ibang tao pero ang inano ko na lang is yung essence – I work on the essence, his essence.

“Kung ano yung naramdaman ko sa demeanor niya na puwede kong maipasok at mai-incorporate ko, ipinasok ko. Hindi ko pinag-aralan yung iba niyang mga actuations, although isinasama ko minsan, saka nire-remind din ako ni Direk Joven,” paliwanag ni John.

Nagbahagi ng isang unforgettable experience ang director habang sinusyuting nila ang Suarez: The Healing Priest na talaga raw kinilabutan siya.

Ani Direk Joven,“May mga bigla-biglang nangyayari na nakakakilabot. Nagsusyuting kami ngayon, kinabukasan pumutok ang bulkan ng Taal pero pinaalis muna kami, nangyari yan. Yung location namin sa paanan ng Taal yon lang ang hindi… may mga ash fall pero walang ano… May mga ganun, eh.”

Naniniwala naman si John na dahil nakaligtas sila sa isang kalamidad dahil sa divine providence.

“Siguro nagkataoon na yung kanyang commitment sa kanyang project, siguro umakma do’n sa grupo – sa mga actors, producer, director. So parang blessing talaga,” paliwanag ng aktor.